Stephen's POV
As usual, wala naman kaming magagawa kundi ang sumunod kay princess, *sigh* ang aga aga ang sungit. Kahapon ng umaga beast mode din sya tsk, pero maganda parin sya.
"Kaya mo bang lumaban jerico?" tanong ko sakanya sabay akbay
"Ha? ah eh—"
"Malamang! kaya nya yan! gangster yan eh!" singit ni jonah."teka nga pala! ilang taon ka ng gangster?"
"Ahm 1 month palang" sagot ni jerico
"Oh my! one month? Kaya mo ba talaga? Akala ko naman 3 months manlang mahigit! Jusko, mahihirapan tayo. Dapat mapatuyan mo kay juls na dapat ka sa grupo!" Alam kong nagaalala sila. Kahit naman ako eh. Buti na nga lang magkakaibigan na kami bago pa maging gangster si princess.
"Iana just practiced for 1 week but still she won against the ranked 1 gangster group, back then si jerico pa kaya? Kaya nya yan" sabi naman ni bryan. Sabagay pero iba naman kasi si princess kay jerico Ibang iba.
"Sabagay, don't worry jerico! hindi ka naman namin hahayang mapahamak" sabi ni jonah.
Tama sya but still, kailangan parin ni jerico'ng magingat. ayaw ni princess ng taong parang punching bag. Laban yun kaya kailangan mong umatake. Hindi pwedeng salo lang ng salo.
"Bry, wala ka bang napapansin? Masungit si princess kay jerico pero mas mukha na silang close." tanong ko habang malayo si jerico at si jonah.
"What do you mean? Nagkakagusto na si iana? You know it's impossible" sagot nya
"Tss, yeah because of edmond? Ang tagal na nun, imposibleng may nararamdaman parin sya"
"Alam kong nagseselos ka. Stop. Wala ring patutunguhan yan. magtulungan nalang tayo" tumango ako ay nilapitan si jerico at jonah sa hindi kalayuan.
"Simula na tayo?" sabi ko sakanila.
"Sige, tara na!"
Nagpractice kami ng dalawang oras dahil papasok pa kami.
Jerico's POV
Kahapon my tumawag saking unknown number. Nung una hindi ko pa maalala kung sino sya pero nung nagpakilala sya bigla kong naalala. Yung babaeng na-meet ko sa restobar dun sa may beach. Andito rin daw sya sa university.
"jerico!" May biglang tumawag sakin kaya napalingon ako. Speaking of kate, ayan pala sya.
"Oh! Ikaw pala. Ngayon lang kita nakita dito ah"
"Kakapasok ko lang. Akala ko nga magkakasama tato kaya lang hindi eh. Sabay nalang tayo mag lunch mamaya?" sabi nya
"Ahm, sige" sabi ko sakanya, biglang may grupo ng mga lalaki dumaan sa amin at nasagi nila si kate dahilan para..
*tsup*
Nanlaki ang mga mata ko at inialis agad sya sa harapan ko. Shit!
"Jerico..." narinig kong tawag ni stephen. Kaya nagulat ako at napatingin agad sakanya I mean sakanila pala, kasama nya si bryan, jonah at si juliana. Lahat sila gulat ang ekspresyon. hindi ko alam kung bakit parang may nagsasabi saking tignan ko si juliana. Tinignan ko sya at kahit hindi nya gustong ipahalata, nahalata ko na nagulat sya at hindi ko mai-explain yung pakiramdam ko nung makita ko yung mukha nya. Parang may mali.
"Ah eh—" hindi ko alam kung saan ko sisimulan yung sasabihin ko. Basta ang alam ko lang, AWKWARD!
"Hahaha nice one! Si-sino nga pala yan?" Sabi ni stephen "Girlfriend mo? Ang ganda nya! Congrats! nga pala kailangan ulit nating magpractice mamaya pag tapos na yung klase" sabi ni stephen "Alis na kami" pahabol nya sabay talikod na

YOU ARE READING
Undying Princess {[EDITING]}
General FictionNever been thought na tatagal pa ako ngayon. I don't want to live anymore. I have done enough, but Unfortunately, I think, I'm Undying Princess Formely: One Blood, One Gun then The Last Princess, then, Choose: Die or Live? Still EDITING