Juliana's POV
"haaay! nakakapagod no?"
"sapak gusto mo? malamang! sino ba namang hindi mapapagod eh mag hapon tayong lakad ng lakad tapos hindi ka pa nasisiyahan sa lakad at kakaladkarin mo pa ko! ngayon, sinong mas pagod satin?" nakakainis! pag ganitong pagod ako ayoko ng may magsasalita tapos sya naman ang lakas pa ng loob mambwiset!
"hehehe ang sungit mo talaga"
tampalin ko tong lalaking to eh! Ang sipsip nya kaya kay lolo. Hindi ko naman talaga gustong sumama sakanya eh, pinilit lang ako ni lolo. Sabi ko pa nga walang magaasikaso ng kumpanya tapos ito namang si rehjo sumingit! si lolo na daw muna ang magasikaso kesyo saglit lang naman daw kami. Langya sya! alam nya ba yung salitang saglit? yun ba yung aabutin kami ng gabi sa amusement park? nakakaleche talaga!
"nga pala! mamayang gabi sakay tayo ng ferris wheel!"
"ayoko na! pagod na ko, uuwi na ko!" tumayo na ko ng bench para makalabas na ng amusement park. Actually hindi talaga ako uuwi, pupunta ako sa opisina, mas gusto ko dun kesa dito.
Naramdaman ko ang paghawak nya sa braso ko para pigilan ako sa paglakad. Ghaaad rehjo! ano bang problema mo?!
"bitawan mo nga ako! don't make a scene here! utang na loob lang! sobra sobra na ang kahihiyang binibigay mo sakin"
"edi okay! atleast lagi mo kong maalala. Please! last na talaga yun! pag katapos nating sumakay sa ferris wheel papayag akong maging alipin mo ng tatlong linggo"
"You're insane!" wala na aong masabi sa kabaliwan nya. Ang sakit nya sa ulo! kung sakaling magiging asawa ko nga tong baliw na to baka mahawaan nya lang ako.
"Yes, I know! kaya lulubusin ko na! please! please!"
I rolled my eyes. "sigurado ka dyan? you'll be my slave in 3 weeks?" I asked while raising my left eyebrow
"oo" he smiled widely. Ayoko talaga ng ngiti nya -_-
"fine!" naglakad na ulit papunta sa bench para maupo. Sisiguraduhin kong hindi ako maiikasal sayo rehjo!
---
Gorgette's POV
"kilala mo ba to?"
tinignan ko yung picture na iniabot sakin ni Mrs. Aramis at laking gulat ko ng makita ko si drend. Pero syempre hindi ko pinahalata.
"hindi" simpleng sagot ko sakanya
"kung ganon, sigurado ka bang gusto mong maging parte ng grupo namin?"
"Oo"
"sige, let's make a deal Ms. Molina, patunayan mo muna sakin ang sarili mo. Ano ba ang pwede mong iambag pag ipinasok na kita sa grupo ko?"
I smirked. "tinatanong mo talaga sakin yan? okay, I'll answer, first of all alam kong ikaw ang pumatay kay Ms. Samantha Manse. Bakit mo nga ba sya pinatay? dahil wala na syang silbi hindi ba? ngayon, why would I come here kung alam ko namang mahina ako? malamang hindi ako magalalakas loob na pumayag sa partnership na hinihilig mo kung wala ako silbi. My point is, nandito ako dahil alam kong may magagawa ako."
She clapped her hand while smiling at me widely as if I satisfied her. "I like your answer! magaling! now you there's another thing you need to do"
I just look at her
"This! this is Juliana Rivero's real sister and mother" tinignan ko ulit yung ibinigay nya saking picture ng dalawang babae, oo nga, magkamukhang magkamukha silang tatlo nila juliana.

YOU ARE READING
Undying Princess {[EDITING]}
General FictionNever been thought na tatagal pa ako ngayon. I don't want to live anymore. I have done enough, but Unfortunately, I think, I'm Undying Princess Formely: One Blood, One Gun then The Last Princess, then, Choose: Die or Live? Still EDITING