Troy's POV
"Asan na si lian?" tanong ko sa mga kaibigan nya na halatang gulat parin ngayon dahil sa nakita nila.
"Nung pinapasok mo kami, pinatulog sya nung mga kasama mo" sagot sakin ni stephen.
Tumango ako sakanya." Ganun ba? sige, titignan ko lang sya"
Napagpasyahan kong puntahan si lian sa kwarto nya at nakita kong payapa syang natutulog sa kanyang kama. Dapat lang sakanya ang matulog ngayon, pagod ang isip nya at makakasama talaga sakanya kung hindi sya magpapahinga.
Nilapitan ko sya at umupo sa gilid nya para makita ang kanyang mukha.
"S-sorry, alam ko mali ang ginawa kong pagtnggal nya sa isip mo, hindi ko na kasi alam kung ano pang gagawinko para hindi ka na nya masaktan. Maiintindihan mo naman ako diba? para sayo naman to eh. Lahat ng ginagawa ko para sayo lahat yun at hindi ko pagsisisihan na ginawa ko ang bagay na yun sayo. Kung sak-sakaling malalaman mo yun balang araw, tatanggapin ko lahat ng galit mo sakin kahit patayin mo pa ako dahil alam kong mamamatay ako ng kontento. Pero hindi ko hahayaang mangyari yun, ilalayo kita sakanya at sisiguraduhin kong hindi kita sasaktan tulad ng pananakit nya sayo" I slowly pat her head and give her a smack in forehead.
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto nya at nsgtungo sa salas kung saan nandun ang mga kaibigan nya. Kailangan naming magusap usap.
"Alam kong kahit anong paliwanag ko sainyo hindi nyo parin ako maintindihan pero please! tulungan nyo kong ilayo sya sa nanakit sakanya!" Pagsisimula ko.
"Mali parin ang ginawa mo! Magagalit si juliana kapag nalaman nya to!"
"Hindi nya malalaman kung magtutulungan tayong itago sakanya ang mga nangyare. Ilalayo ko sya dito at pagbalik namin, sisiguraduhin kong handa na sya.. handa na kami"
Padabog na tumayo si stephen at naglakad papalapit sakin pero inawat na agad sya ni arseq.
"Ilalayo mo sya samin?! ganun ba?! Bullshit! Nagkasundo tayo na tutulungan kita para hindi maalala ni juliana si jerico pero wala sa usapang ilalayo mo sya samin! Ano bang gusto mo rehjo! Putang ina! Napakamakasarili mong tao!"
*boooogsh*
Hindi sya napigilan nila arseq at nasapak nya parin ako. Pinunasan ko lang yung dugo sa may labi ko at hindi gumanti sakanya. Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman nya, pero pipilitin kong intindihin nila kung ano ang gusto kong mangyari. Selfish? oo, alam ko. Anong gusto ko? ang mahalin ni lian higit pa sa pagmamahal nya kay jerico.
"Kung hindi ko sya ilalayo dito maaaring magkita sila ni jerico kahit anong gawin natin kaya naisip kong dalhin sya sa ibang bansa. Kung gusto nyong bisistahin sya, oaky lang sakin. Wag lang sanang malaman to ni jerico. Intindihin nyo naman yung mga ginagawa ko. Nandito ako para kay lian, andito ako para protektahan sya kaya magtiwala kayo sakin"
"Hindi--"
"Babe, tama si troy, kailangan yun ni iana, ano bang mas gusto mo? makita si juliana na iyak ng iyak dahil kay jerico?" singit ni bryan nung balak kontrahin ni jonah yung mga sinabi ko.
"Pero--"
"Ayaan na natin sila, hindi naman tayo pinagbabawalan ni troy na makita si iana eh, ang gusto nya lang, mailayo si iana sa taong nanakit sakanya"
Natahimik ang palagid at maya maya ay padabog na lumabas ng bahay si stephen. Alm kong mahirap para sakanya pero alam ko ring naiintindihan nya na hindi nya lang gusto ang gagawin ko. Pero kahit hindi nya gusto alam kong papayag parin sya dahil para yun ka juliana.
YOU ARE READING
Undying Princess {[EDITING]}
Ficção GeralNever been thought na tatagal pa ako ngayon. I don't want to live anymore. I have done enough, but Unfortunately, I think, I'm Undying Princess Formely: One Blood, One Gun then The Last Princess, then, Choose: Die or Live? Still EDITING