#51 (first and last?)

95 1 1
                                    

Jonah's POV

"Guys! Nakita nyo na ba si katana?" Tanong ko sakanila. Apat na araw na kasi kami dito sa beach at apat na araw narin syang nawawala. Tinatanong nga namin si edmond, di nya rin daw alam.

"Baka naman umuwi na, ate jonah" sabi ni jerimia habang nakabusangot. Kanina pa kasi kami palakad lakad, baka pagod na sya.

"Imposible. It's either sinasadya nyang lumayo satin o may nangyaring masami sakanya" napatingin kaming lahat kay edmond.

Teka! Bat naman sya lalayo samin?

"Nagaway ba kayo?" Tanong ni stephen kay edmond. Usapang lablyf pala to! Jusme!

"Oo..hindi..ata..ewan"

"Niloloko mo ba kami edmond?!" Nakapokerface kong tanong. Ang tindi ng sagot nya kanina eh! dinaig pa yung nanghuhula sa pinoy henyo!

"Eh kase--"

*riiiiiing*

"Saglit! Akin yun!" Sabi ni babe at sinagot na nya ang tumatawag sa phone nya.

Wait, tinatanong nyo ba kung asan si juliana? Andun kay jerico! Kahit nagdadalawang isip pa ko, pumayag parin akong sumama si juliana kay jerico. Kahit naman kasi i-deny nya na mahal nya pa si jerico, makikita mo parin na namimiss nya talaga yung gagong yun!

Well! Una palang alam ko ng sila talaga. Pero nung dumating si troy akala ko magiging sila eh since wala ng alaala ni jerico si juliana. Yun nga lang, pag mahal mo kahit makalimutan sya ng utak mo,hindi sya makakalimutan ng puso mo.

Parang pag nagmo-move on ka lang! Yung mga BH na gustong magka-amnesia? Oo makakalimutan mo yung pangalan, yubg itsura nya, pero yung feelings mo hindi.

Kaya iisipin ko palang na magbebreak kami ni bry tapos magmo-move on ako? Nakakasira na ng brain cells eh!

"Guys! Pinapapunta tayo ng mga pulis sa may kabilang dulo ng beach!" Biglang sabi ni babe.

"Bakit?" Tanong ko out of curiousity. Bigla kasi akong kinabahan!

"Basta! Tara na!" Hinawajan na ko ni babe sa kamay at hinila ako. Shet! Nanlalamig na ko! May masama bang nangyare? Wala namsn sana!

Juliana's POV

"Ano ba jerico! Nabaldado ka ba kaya pati pagsusubo sa sarili mo hindi mo na kaya? Tss!" Pagrereklamo ko. Grabe naman kasi! Ako ba yung bumaril sakanya? Hindi naman diba? Pero bakit ako yubg nagaalaga sakanya? Tsaka kayang kaya naman nyang magsubo eh!

"Bakit ang sungit mo? Meron ka ba?" Tanong nya na parang hindi naririnig yung mga reklamo ko! Nagawa pa nga nyang ngumiti ng nakakaloko eh!

"Meron? Anong meron?" Confuse kong tanong. Di ko gets eh! Sensya huh!

"Alam mo na! Monthly period.."

Swear! Yung dugo ko umakyat ata lahat sa mukha ko at kahit air conditioned dito ramdam ko yung paginit ng pisngi ko! Bwiset talaga tong lalakeng to!

TEKA! BAT BA KO APEKTADO?!

"Are you blushing? Hey! Hahaha hon! You--"

"HON?! PUTANGINA! BAHALA KA SA BUHAY MO!"

Tumayo kagad ako sa upuan at lumakad palabas ng hospital.

Bwiset! Hon daw? Di ba halatang nagmo-move on ako? Kanina pa ko nagtitimpi sakanya ha! Pero yung kalandian nya grabe lang!

Kung hindi ko lang sya naalala ulit edi sana yung utak ko nakafocus lang sa vacation! Putek!

Bakit ba kung kelan wala na saka nagpupumilit? Sya naman pumili nun eh! Ano? Sya nalang laging masusunod? Pag ayaw na nya bibitaw sya tapos pag gusto nya na ulit guguluhin ka nanaman nya? Eh putangina! Pagod na pagod na ko!

Undying Princess {[EDITING]}Where stories live. Discover now