#19 (Be my boyfriend)

289 6 1
                                    

Juliana's POV

'Wear this dress and this high heels tomorrow. I will pick you up there at 6pm'

Yan yung nakalagay sa note. Sino namang may pakana neto? Ni wala ngang pangalan kung sino yung nagsulat ng note eh. Tch! Baka pinagtitripan lang ako kung sino man yun.

*tok* *tok*

"Yes ya? Pasok ka nalang" sigaw ko, tinatamad na akong tumayo

"Tumawag yung lolo mo sabi nya pumunta ka daw sa mansyon at dun ka na maglunch" sabi ni yaya.

"Bakit daw?" tanong ko. Bakit naman biglaan, masyado bang mahalaga yun? Anong meron at naisipan nyang magaya maglunch with me?

"Walang sinabi, may dadating daw dito para sunduin ka" pagkasabi nun ni yaya tumango nalang ako at umalis naman na sya ng kwarto

Nagpalit lang ako ng damit. Nagbihis ako ng jeans at blouse. Ayokong magdress dahil hindi naman ako nagdi-dress

May narinig na akong bumosina sa labas ng bahay, andyan na ata yung susundo sakin?

"Juliana! Bumaba ka na!" Sigaw ni yaya sa baba

Lumabas na ako ng kwarto at naglakad palabas ng bahay, sumalubong naman sakin ang isang kotseng itim na halatang pangmayaman at i think driver ni lolo.

"Ma'am pasok na po kayo, iniintay na kayo ng lolo nyo" sabi nya habang nakangiti at pinagbuksan pa ako ng pinto. Pumasok nalang ako dun ng tahimik

20 minutes din bago ako makarating sa mansyon. Sumalubong sakin ang mga maids at may nagsabing nasa dinning na si lolo kaya naman dumeretso na ko dun. Nakita ko si lolo na magisang nakaupo sa table.

Ngumiti sya sakin nung makita nya akong papalapit sakanya. Nakipagbeso beso muna ako pago ako umupo sa gilid nya.

"So?! What is this all about?" Tanong ko

"Nothing princes, just want you to settle down for good" sabi nya ng kalmado. Anong settle down for good? Don't tell me!

"Settle down? anong settle down? I don't get it" confuse kong tanong.

"Basta! atsaka don't worry! alam kong magkasundo kayo"

Huh? magkasundo? sino? ano ba talaga yung settle down na sinasabi nya?

"Deretsuhin mo na ko lolo! I'm really confuse here!" sabi ko pero hindi nya ko pinansin. Tch! that's good huh! -_- insert sarcasm here!

"Andyan na pala sila eh!" sabi nya at napatingin naman ako dun sa tinitignan ni lolo

Okay? WHAT IS THIS?

Jerico's POV

Andito ako sa kwarto ko and to be specific nasa kama ako nakahiga at finaflashback lahat. Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung lakas ng loob kong sabihin kay juliana na gusto nya ko kahit alam ko namang malabong mangyari yun, pero ito ang nasa contract, kunting panahon nalang ang meron ako.

Pero minsan, napapaisip ako, puro kasinungalingan at pagpapanggap nga lang ba ang higinagawa ko? Kasi kahit ako naguguluhan na eh

Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung bakit ako ang napili nilang gumawa neto. Bat ako? Sa dinamirami ng lalake sa mundo, bakit ako? Wala naman akong maalalang ginawa sakanilang masama ah

*tok* *tok*

"Sino yan?" Tanong ko

"Ako to kuyaaa!" Sigaw ni jerimia. Tch! Lagi nalang tong nakasigaw

Undying Princess {[EDITING]}Where stories live. Discover now