#27 (1 Room)

285 6 9
                                    

Juliana's POV

Nagunat ako habang nakapikit. Ang tagal ko atang nakatulog— "waaa!" sigaw ko sa sobrang gulat sabay tulak kay jerico. Jusko! kasi ba naman! pagmulat na pagmulat ko, napakalapit ng muka nya tapos nakangiti pa ng malapad, nagulat tuloy ako

"aray ko!" daing nya habang hawak yung likod ng ulo nya, napatama ata dun sa bintana netong sasakyan dahil dun sa pagtulak ko. Kasi naman eh!

"s-sorry! ikaw naman kasi! bakit ang lapit ng mukha mo sakin? nagulat tuloy ako"

tumaas yung isang sulok ng labi nya, aish! ayoko talaga nakikitang mag smirk sya, "gusto ko kasing ako ang una mong makikita pag gising mo"

Bigla namang bumilis ung tibok ng puso ko, pano ba naman nakatitig sya sakin tapos isama nyo pa yung sinabi nya. Nate-tense ako eh!

Umiwas ako ng tingin sakanya. "a-asan na ba tayo?" I tried my best para maging mataray yung boses ko at maiba yung usapan namin dahil awang awa narin ako sa sarili ko

"hhmm, andito na tayo"

Tumingin ako sa labas, najapark yung kotse nya sa harap ng isang hotel, Ah! okay! I get it! andito na nga kami halata naman dun sa pangalan ng hotel eh

"e-edi tara na! ano pang hinihintay mo?" pagtataray ko ulit at dali daling bumaba ng kotse nya. Di ko kayang magtagal pa dun, titig palang nya nanlalambot na ko eh

"hahaha sige tara na!" narinig ko yung pagsara ng pinto nung kotse at kasabay nun ang mga yabag ng paa ni jerico na naririnig kong papalapit na sakin.

"sabay tayo, hon!" naramdaman ko yung paghawak ni jerico sa kamay ko dahilan para lumaki yung mga mata ko. At kung kanina, mabilis ang tibok ng puso nya, kabaligtaran na ngayon, para akong hindi makakahinga. Jusko! may malapit bang hospital dito?

"Good evening ma'am, sir" bati nung babae sa cashier

"Good evening! Can I have 1 room?" sabi ni jerico. T-teka! 1 room? ibig sabihin—

"okay sir, pakipirmahan nalang po ito" sabi nung babae sabay abot nung papel na pipirmahan nya. Shit! seryoso? isang kwarto lang talaga?

"hoy! jerico! bat isang kwarto lang?" bulong ko sakanya

"bakit? para namang bago pa sayo yun, remember? nagkatabi na tayo sa kama nung nasa batangas—"

"BWISIT! pirmahan mo na nga lang yan! ang dami mong sinasabi!" argh! kainis talaga tong lalaking to! talagang ipapaalala nya pa yun? aish! Tapos eto pa ha! tinawanan pa ako! argh! mapapatay ko na to eh

"nako sir, hindi po ata maganda ang pakiramdam ni ma'am ah" pagpupuna sakin nung babae, lishak naman oh! isa pa to eh! tatanggalan ko to ng mata eh! kanina pa to nagpapa-cute kay jerico akala nya di ko pansin?! -_-

Inibalik na ni jerico yung papel dun sa malanding babae at inakbayan ako. Ibinagay narin nung babae yung susi sa magiging room namin. "haha! ganun talaga, buntis eh" nawindang naman ako sa sinabi ni jerico at pilit nagsi-sink in ang mga yun. Pero nasa elevator na kami nung nagsink in lahat ng sinabi nya. The Hell! AKO? BUNTIS?

Pinaghahampas ko sya sa braso, bwisit na to! siraulo talaga!

"A-aray ko! hahaha tama na!"

"bakit mo sinabing buntis ako? ha? HINDI AKO BUNTIS!"

"hey! kasi naman! kita mo kung pano mo tignan yung babae dun sa cashier, kulang nalang pilipitin mo yung leeg eh! kaya sinabi kong buntis ka para naman maisip nyang magasawa na tayo at may anak na"

Undying Princess {[EDITING]}Where stories live. Discover now