Kabanata 1

784 20 5
                                    

°♦☘️♦°


Akala mo kung sino, pangulo ba siya ng Pilipinas, kung maka-asta wagas, taas din ng tingin sa sarili at ano raw sabi, President? Ulol, wala akong pakialam kahit sino ka pa.

Tangina, walang alinlangan niyang binulong sa ‘kin na siya nga ang pumisil kanina. Talagang ginusto niya ang ginawa dahil natuwa pa ang gago. ‘Yan ba ang tinaguriang President? Nangpipisil ng pwet? Putangina talaga niya.

Dahil do'n, mas lalo pa kaming pinagalitan ni Ma'am Burat bago niya kami palabasin. Kainis, kami na naman ang nasisi. Tapos, ang masaklap pa, ‘di siya naniwala sa mga paratang ko do'n sa kumag na ‘yon! He has the guts to do that! Palibahasa, may ginagampanan kaya malaki ang tiwala nila sa kaniya kesa sa ‘kin. 

At ang walang hiya, nauna pang umalis sa ‘min matapos niya ‘ko bastusin? Tapos, ang lakas pa ng apog kung magpakilala? Ulol! Sa tingin ba niya nagustuhan ko ‘yon?! Gago, binigyan mo ‘ko ng trauma! Dahil do'n, hinayaan ko lang na nasa ere ang nakalahad niyang kamay. Tsk, magkakaroon lang ng germs ang kamay ko ‘pag kinamayan siya. 

“Tol, seryoso? Pinisil niya talaga? Anong pakiramdam ng napisil?” ‘di makapaniwalang tanong ni Will pero alam kong pinipigilan niya lang 'di matawa.

“Shut the fuck up Will, bibigwasan kita,” Galit na sambit ko at natahimik na lang siya sa tabi.

Kasalanan niya rin kung bakit 'di na kami nakapasok sa klase. Kung 'di lang siya naging epal edi sana hindi na galit sa'min si Ma'am. 

Kaya diretso na lang kami sa JHS canteen. Nakaupo malapit sa may entrance. Nilibot ko ang tingin at kami pa lang ang estudyante rito dahil oras pa ng klase. Alangan namang babalik pa kami kung kelan malapit na mag-lunch. Mabuti pang hintayin na lang namin yung isa pang tropa na nag-ibang landas. De joke, strand pala.

Kasalukuyang nasa grade 11 pa lang kami at siya ang nahiwalay sa'min. HUMSS kasi kinuha ni tropang Perry tapos kami ni Will parehas na nag ABM. Pinili namin 'to kasi ang chismis, marami raw pera rito.

Tsaka sabi rin nila, madali lang daw ang strand na ‘to. Kaya grinab na namin ni Will. 

No'ng araw nga ng enrollment, gulat 'yung mga teachers sa'min dahil imbes daw na sa ICT or Cookery ang kunin, e ‘di nila inaasahang pinili namin ang ABM. Ano bang meron sa pinili namin? Marami bang math dito? Ang alam ko lang ay gagawa ng negosyo tapos benta-benta lang. 

Masama bang kumuha non? Wala naman kaming bagsak pero puro line of 7 nga lang yung iba, at kung makahusga parang 'di rin umuutang sa bumbay.

Kung pinili namin ‘yung akala nila, aba, hindi naman ako marunong magluto, baka nga sisihin pa ako ‘pag nasunog ko ‘tong buong school at sa computer? May alam naman ako pero ayokong maging hapon ang mata ko. Magiging blur pa ang paningin ko diyan. 

Tapos ang alam nila pag-ICT, taga-ayos ng refrigerator at washing machine? Mga bobo!

‘Di naman sa pagmamayabang pero halos lahat ay kilala na nila kami dahil naging bahay na namin ang guidance office. Ayos nga ‘yun e! Instant famous parang artista lang.

Pero nang sumapit ang pasukan ay nagtaka kami ni Will, dahil konti lang pala kaming mga lalaki. Kung bibilangin nasa lima lang tapos lahat na puro babae. Gano'n ba talaga?

At tsaka tumatak naman sa'kin 'yung sinabi ni flashlight, ano nga ulit sinabi niya? Bribery? Putangina, bribery-in ko mukha niya e. 

I rested my chin on my palm as I lazily faced Will, "Par, anong ibig-sabihin nung sinabi ni flashlight?" 

"Gago pre, anong flashlight? Ginawa mo namang bagay 'yong tao!" Ani nito habang natatawa. 

Basta, flashlight siya para sa ‘kin. Kasilaw sa mata e. Akala mo walang dumadaloy na dugo. Bampira rin kaya ‘yon?

You, Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon