°♦☘️♦°Pag-uwi ko sa bahay ay kaagad na akong dumiretso sa kwarto at inumpisahan na gawin ang tulang gusto kong ibato sa mukha niya. Ewan ko lang kung ‘di siya mapahiya rito. Pinag-isipan ko talaga ‘to ng mabuti. Bahala na kung magalit sila kapag nakita yung sticker na nilagay ko sa flashlight.
Parang ngayon nga lang ako naging productive sa ginagawa. Minsan kasi, no, madalas pala—tinatamad ako at nangongopya na sa kaklase o ‘di kaya umaasa na lang ako kay pareng gogel.
Although, I am expecting that Ma'am Castro will question me about this. Simple lang, sabihin ko na para sa taong kinasusuklaman ko, and I'm not also expecting the highest score; as long as I give him this, it's fine with me.
Tsaka gusto ko rin malaman kung ano ang istura niya at kung paano ang kanyang magiging reaction pagkabasa nito? Pucha, ‘di na ‘ko makapaghintay.
Nang matapos ay pinitay ko na ang PC at iniwan ang mga gamit sa study table tsaka tumayo para bumaba. Bukas ko na lang ipiprint sa coupon yung tula dahil wala na pala akong extra papers rito. Ayoko sa school baka makita pa ni Will. Mang-aasar lang ‘yon, lalo na’t tungkol kay mokong itong ginawa ko.
Pagkababa ko, bumungad sa ‘king paningin ang kapatid kong nasa sala, nakaupo sa carpet ng sahig na tutok at tila nakikipag-usap na naman siya sa iPad. Na-curious ako kaya dumiretso ako para tabihan siya at nakinig. Ano kayang pinagkakaabalahan nito, masyadong busy e.
Sumulyap ako sa nilalaro niya, pucha Roblox na naman.
“Where are you?” tanong ko do'n sa nilalaro niya.
Nilingon niya ‘ko, “I'm in therapy po, kuya,”
Gulantang akong napalingon sa kapatid. Takte! Bakit naman niya pinili ang lugar na ‘yon? May sakit ba ‘to? May dinadamdam ba siya? Eh binabantayan nga siya lagi sila Mom at Dad sa kaniya. Paanong?
“Why? May problem ka ba? Nandito naman si kuya,” pag-aalo ko sa kaniya.
Umiling siya, “No, kuya. We're just talking lang po ni Ate Natie,”
Kumunot ang noo ko. Natie? Tama ba aking pagkakarinig? Hinarap ko ang kapatid at bahagyang hinawakan ang magkabilang balikat niya. Nagulat siya sa ginawa ko.
“Natie ba kamo? Ano itsura niya? Taga saan daw siya?” Sunod-sunod na tanong ko.
I noticed her expression shift when I eagerly asked about her. Tangina, may isang tao kasi akong hinahanap. Matagal na ang huli naming pag-uusap, no'ng bata pa kami. I even tried searching her name on socials but nothing appeared. Bruh, why can't she have one? It's already the 21st century. Modernization is improving.