Hi guys! I missed you. Sorry, it's just a short update. Enjoy!
°♦☘️♦°
Alas tres na nang matapos ang event dahil para raw makapag-pahinga na ng maaga ang mga bata.
Ngayon ay nandito ako sa field kung saan dito naglaro ang mga bata at sa gilid nito may mga nakahilerang upuan para sa manonood. Tumulong ako sa pagliligpit kasama ng mga utility members dito sa orphanage. Hindi ko na rin kasama si Sr. Natie dahil naroon siya sa mga nagaasikaso.
Nakakapagod pero worth it naman na tumulong. Tsaka..kaya nga ako nandito para sa mga ganito e. Nakakahiya rin kung wala kang ginagawa. Edi pauuwiin na ‘ko nito ni mama.
Habang pinapanood ko ang mga bata kanina, nahahawa ako sa ngiti nila habang naglalaro. Well, except do’n sa isang bata na sumagot sa ‘kin kanina. Epal talaga ‘yon.
Nang pinagsasama-sama ko ang mga upuan, may lumapit sa ‘kin. Isa sa mga nagtatrabaho dito.
“Bata, kami na diyan! Kanina ka pa tumutulong, e trabaho namin ‘to!”
Ngumiti ako sa kaniya, “Oks lang po ‘ya, wala na rin naman po ako gagawin e..” Sabi ko.
He shrugged and even tapped my shoulder, “Sige bahala ka, tanong ka lang kung may kailangan ka ah,” Sabi niya tsaka niya ako iniwan.
Pinagpatuloy ko naman ‘yung ginagawa ko at nang matapos ay nagpaalam na ‘ko sa kanila para pumunta sa kwarto ko para makapaglinis ng sarili. Nagpasalamat pa sila sa ‘kin bago ako mawala sa paningin nila.
Wala pa si bads nang matapos ako maligo kaya pumunta ako sa kwarto niya para tingnan si Pst. Yung pwesto ni Pst ay malapit sa CR, sa gilid nito. Kaya umupo ako sa sahig at nakita kong wala siyang pagkain. May nakahain naman na pagkain sa tabi ng kulungan niya.
Kumunot ang noo ko nang makita ang ilang tangkay na kangkong imbes na yung rabbit feeds. Teka…naubos na ‘yung binigay kong budget sa kaniya? Napailing na lang ako at kinuha ko ang tatlong tangkay nito at pinasok sa butas ng kulungan niya.
Kumain agad siya nang maibigay ko ang ang kangkong. Habang pinapanood, napansin ko na hindi na siya katulad no'ng kinuha ko siya sa tambayan namin. Sobrang liit pa niya noon at ang sarap pang pang-gigilan.
Napangiti ako, medyo lumaki na siya at malusog.
“Ang laki mo na pst…buti na lang nandito ka kay bads..’pag sa bahay ka kasi baka itapon ka lang ni mama.”
Kinausap ko pa siya hanggang sa makaramdam na ako ng antok. Tila ngayon lang dumapo sa ‘kin ang pagod na naranasan ko kanina. Kaya tumayo na ako para pumunta sa higaan ni bads at inihilata ang sarili.
I felt my body relaxed to his soft bed. Hindi pa ‘ko nakuntento at kinuha ko pa ang isang unan na gamit ni bads tapos inamoy ‘to. Amoy baby ko, shet. Maya-maya, hindi ko namalayan nakatulog na pala ‘ko.
Nagising na lamang ako nang may malambot na kamay na humahaplos sa pisngi ko. Alam ko si bads ‘to. Hindi pa ‘ko dumilat at ninamnam ko pa ang pagdampi ng kaniyang kamay sa mukha ko.
Sinakop na ng kaniyang kamay ang isang side ng mukha ko. Ramdam ko rin ang init ng kaniyang palad.
He spoke.
“I know you're awake, baby.”
“Uhm…kiss nga bads please..” nakapaikit ko pa rin sabi.
I heard him chuckle kaya napangiti rin ako. I waited for him to do that and in just a minute, his lips met mine.
My arms automatically circle around his neck and pull him closer. I savor his lips like a food and so he is.
Shit. Ang sarap mo, bads. Nakakaadik ka. Naramdaman ko na lang na pilit niyang nilalayo ang kaniyang ulo sa ‘kin dahil mas hinahapit ko pa ‘to.
BINABASA MO ANG
You, Again?
Fiksi Remaja[Kupal Series #1] Clover, an ABM Grade 11 student, is known for his troublesome ways and his belief that "a kupal will always be a kupal." But when he meets someone who keeps constantly stands in his way, things take an unexpected turn. Could this p...
