Kabanata 10

170 8 0
                                    

°♦☘️♦°


“Nasa guidance na dapat ako? Anyare?” Nakangising bungad ko.

The side of his lip rose, “Nice, coming from you. Buti pinaalala mo,”

Ako naman ay pilit na ngumiti sa kaniya dahil sa tinatago kong pagka-inis. I clenched my teeth. Hambog ampota bading naman.

I dramatically put my hand on my chest, “Ang bait mo naman pala bads, thank you ha,” sarkastikong sambit ko.

His expression changed. I think he looks pissed right now.

“Stop calling me that,” he demands.

I chuckled, “Bakit? Did I offend you? Totoo naman ‘di ba?”

“Tsk, what do you want?” He suddenly changed the topic. Perhaps, he doesn't want to be exposed. President ba naman kasi. If the school finds out that this person is gay, I think it's a big deal.

“Oh,” saad ko habang inabot sa kaniya ang nakatuping tula na ginawa ko.

“What's this?” aniya sabay buklat sa papel at inayos niya ang kaniyang salamin para maayos niyang basahin.

I noticed his eyeglasses. The browline glasses suit him.

Sasagutin ko sana siya para sabihin na aalis na ‘ko kaya lang may biglang sumingit at ‘di na rin niya naipagpatuloy ang pagbabasa nito dahil may sagabal.

“Eitan, what's that? Tula rin ba ‘yan? Nakatanggap din kasi ako kanina e kaso ‘di ko natanong yung name niya,” saad niya kay bads.

Nilingon namin kung sino at nakita kong ‘yong taong palagi niya palang kasama. Tumabi siya kay bads. Naalala ko ‘to, siya yung lumapit no'ng ‘di na nakalaro si bads. Tsk, magkasing-tangkad lang kami pero mas payat siya at mukhang babae kung umasta. Halata sa itsura na bading dahil sa makintab niyang labi tapos may kolorete pa. Maganda naman siya mukha talagang babae kaso may lawit. I laughed at my thoughts.

Pero kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. Kaya ‘di ko rin napigilang sumingit, “Anong strand niya?”

Ngayon naman sila bumaling sa ‘kin. Umiling siya at nagkibit-balikat.

He explained, “Hindi ko alam e basta binigay niya lang then we took a picture together at tumakbo kaagad and I thought it was just some scratch but when I read it, it was a good poetry,”

Napaisip ako, hindi kaya…Umiling ako. Ayokong isipin na yung taong ‘yon na nasa isip ko ay ang nagbigay nito sa kaniya. Alam Kong hindi niya magagawa ‘yon.

“So this is poem?” Do'n naman nakapagsalita si bads. He lift the paper that I gave.

Tumango ako at hinagod ang buhok ko na nakaharang sa mata ko, “Don't expect na love letter ‘yan gago bads, ‘di mangyayari ‘yon,” I smirked matapos kong sabihin ‘yon tsaka tumalikod na ‘ko’t naglakad na paalis. I even put my hands into my pocket looking confidently while walking.

“Bads?” Narinig kong tanong nung katabi niya.

“Don't mind him,” sagot naman kaagad ni bads.

I lick my lips then smirked. Ayaw niya bang malaman ang tawag ko sa kaniya? Tangina, this is interesting.

“Wait! Did you two take a photo? Yung nagbigay kasi sa ‘kin sabi niya kailangan daw ng proof e,” dagdag pa nung kasama ni bads.

Napatigil ako. Tanginang bibig ‘yan. Ba't niya pa kailangan sabihin? Tsaka ako? Makikipag-picture sa kaniya? Hell no. Ano siya swerte? Kung mangyayari ‘yon baka ilaglag ko pa siya.

You, Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon