Kabanata 2

572 16 3
                                    

°♦☘️♦°

"Tol! Ba't ang tagal mo? Nagalulu ka 'no, o nahuli ka na naman ba ni Ma'am burat?" Sunod-sunod na tanong ni Will nang dumating ako.

Gagi, kakaiba rin talaga ang isang 'yun e. Alam ko namang tinulungan niya ako pero baliw ba siya at kailangan na naman niyang i-ungkat ang ginawa niya sa 'kin? May sira ata 'yon sa ulo. Pwet ko ang lagi niyang puntirya.

E kung ako rin kaya ang gumawa sa kaniya ng gan'on, para it's a tie. Gusto ko nga paluin ko kesa sa pisilin, ewan ko lang kung dumugo 'yan.

My jaw tightened when I remembered again what happened in the bathroom.

Hingal na hingal siyang pumasok dito. Akala mo naman zombie apocalypse kung maka-takbo parang katapusan na.

Bago pa man ako makapag-tanong, bigla siyang lumapit sa akin at take note, masyadong malapit. Matangkad nga siya kaya napatingala ako at bumulusok agad sa 'kin ang matapang niyang pabango.

I wrinkled my nose for that.

"Oy, anong trip mo?" utal na tanong ko, pilit kong pinapanatili ang kalmado kong boses kahit ramdam ko na ang kaba sa 'king dibdib.

He looked at me, and for a moment, I finally observed his eyes closely. Behind those browline glasses, they were bluish-gray eyes and it's a bit wobbling.

"I need to run, and before Ma'am Cortez gets ahead of me, I want to tell you that she is on her way here." He said while panting. Dama ko rin ang kaniyang hininga nung nagsalita siya. In fairness ah, mabango.

Nanlaki ang mata ko. Shit! Kailangan na pala namin umalis, bago pa dumating si Ma'am burat. Hindi na ako nag-sayang ng oras ay agaran kong niligpit ang gamit at nilagay lahat sa maliit na pouch tsaka pinasok sa bag. Wala na 'kong pake kung hindi na maayos 'to basta maka-labas na rito.

"​Pucha, edi tara na!" Aalis na sana ako, pero pinigilan niya 'ko sa pamamagitan ng paghila sa braso ko. Pumasok kami sa pinaka-last na cubicle, tsaka niya sinarado at ni-lock. Tatlo lang kasi rito 'yung cubicles e.

Nakapwesto kami sa sulok dito sa loob ng cubicle. Umabante pa siya dahilan para sikipan pa niya ang pagitan namin. Pucha! Hindi naman ako tatakas pero kinulong niya ako sa magkabilang bisig niya tapos nakaharap pa sa 'kin.

Napa-irap ako, dapat ba ganito talaga?

Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko, nainis ako bigla. "Bitawan mo ako," yung boses ko pabulong pero mariin, tila wala siyang narinig dahil hindi pa rin siya kumilos.

Pinilit ko pang tanggalin ang pag-hawak niya sa braso ko ngunit ang higpit, mas mahigpit pa siya sa lock. Kainis, tinalo niya ko sa katawan. Makapag-gym na nga rin.

Nagkatinginan kami nung narinig namin ang pagbubukas ng pintuan at 'di nga nagkakamali 'tong mokong na 'to. Si ma'am burat nga ang pumasok. Paano? Palaka kasi boses niyan lalo na 'pag nakanta.

Naramdaman ko ang bigat ng sitwasyon hindi dahil sa kaniya kundi sa sitwasyon namin ngayon. Gagi, pa'no 'pag nakita kami ni ma'am, tapos ganito pa ang pwesto namin, ano na lang sasabihin niya?

"Bingi ka ba, sabing bitaw-hmp!" ulit ko, pero 'di na natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan na kaagad ng palad niya ang bibig ko.

Marahan na bumulong siya malapit sa tenga, "Pucha, ang ingay mo. Gusto mo ba pisilin ko uli 'yan?"

You, Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon