Happy new year guys! 🎉✨ 'Wag magtampo oki? I'm doing my best naman to complete this. Busy sa work e. 😉❤️
°♦☘️♦°
Isang linggo ko nang ‘di pinapansin si bads at hindi na rin muna ako nakitulog sa kaniya. Tila mukhang napansin niya ‘yon dahil panay sulyap siya sa ‘kin tuwing hapag-kainan.
Kung minsan magtatanong siya, maikli lang ang binibigay kong sagot dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari no'ng nakaraang araw.
Tapos ‘pag nagkakasalubong kami, umiiwas agad ako dahil ayaw ko munang makipag-usap meron pa nga na nahuli niya akong nagalulu sa kwarto ko. Potek na ‘yan, nakakahiya. Kasalanan niya kasi, bakit siya pumapasok nang hindi kumakatok. Mas lalo pa tuloy akong lumayo sa kaniya.
Buti na nga lang na siya pumasok hindi yung natie na ‘yon. Siguro papasok lang ‘yon ‘pag si bads ang nasa sitwasyon ko. Tsk. Napailing na lang ako.
Kaya pinagtuonan ko na lang muna ng pansin yung binigay na notes kahit walang pumapasok sa utak ko. Bumisita sila kahapon ni pareng Will kasama si perry.
Akalain mo yung mokong na ‘yun, buti at naisipan akong bisitahin. ‘Di ba nila ako na miss? O sadyang alam nilang in good hands ako kaya wala silang pake? Pota, ang akala ko nga nakalimutan na nila ako.
Imbes nga na kamustahin ako, naghasik lang ng kabalastugan. Sila na raw na kasi ng chicks ni pareng will. Nakakaurat dahil yun lang kinuwento niya buong maghapon. Pota, halatang sobrang saya ng burat.
Anyways, speaking of burat. Malapit na rin matapos ang suspension ko. Makakabalik na rin sa wakas at miss ko na rin siya. Masaya siya siguro dahil walang umaaligid sa kaniyang pogi. Hays. Tuyot na siya, hula ko. Natawa ako.
Nandito ako ngayon sa field. Pinapanood mga batang naglalaro. Ang lungkot naman, oo na, aaminin kong miss ko na si bads. Miss ko na amoy niya, yung halik niya. Lahat ng sa kaniya, miss ko na. Langya, ang tagal niya kasing suyuin ako.
“Wow, lalim nun ah.”
“Olol.” Walang gana kong sagot.
“Olol? Sino ako?”
Napalingon ako at gulat dahil si Sr. Nelly pala. Shit. Napakamot ako at humingi agad ng paumnahin. Tumawa lang siya.
“Sorry po Sister, akala ko po bata kausap ko hehe.”
“Halatang may problema ka iho, buryo ka na ba rito?” Tanong niya.
Umiling kaagad ako. Siyempre, hindi. Sinong mabuburyo kung nandito nga jowa mo na walang balak sumuyo.
“Never po akong mabuburyo sa lugar na ‘to, Sister. Ngayon na lang po ako ulit tayo nagkita, tapos sasabihin niyo lang po ‘yan? Nakakatampo naman.” Biro ko.
Natawa siya, “Alam ko naman ‘yun ‘nak, binibiro lang kita.”
I don't know how to reply kaya naging tahimik. Ilang minuto she spoke.
“Napapansin ko masyado na kayong close ni Eitan ‘nak pero parang bakit ngayon hindi ata kayo magkasundo?” she asked.
I bit my lip to cease the tension I felt. Potek, napansin niya na ata kami. Siguro hindi naman ata masama magsabi na ng totoo sa kaniya. Si Sister na ‘to e.
Sasagot na sana ako kaso pinutol niya ako at nagsalita na siyang nagpakaba sa ‘kin.
“Anak, hindi naman ako muang kung ano ang mga napapansin ko. Mukhang malalim ang relasyon niyong dalawa ni Eitan. Tama ba?” Mahinahon niyang tanong.
BINABASA MO ANG
You, Again?
Teen Fiction[Kupal Series #1] Clover, an ABM Grade 11 student, is known for his troublesome ways and his belief that "a kupal will always be a kupal." But when he meets someone who keeps constantly stands in his way, things take an unexpected turn. Could this p...
