°♦☘️♦°
"Ano na namang ginawa niyo?!" Oops, galit na ulit sa harapan namin si Ma'am burat.
Hindi sana hahantong sa ganito kung 'di kami naabutan ni bads. E sa kasamaang-palad, paalis na dapat kami kaso ang langya, dumating pa. Alangan namang tatakbo pa kami kung kelan nandyan na, bobo ba? Syempre wala na kami magagawa kundi sumunod na lang.
I didn't realize at first that he's the one who knows about our hideout. Kaya narito kami ulit sa guidance office at gano'n na naman ang eksena. Nakayuko ang aming ulo dahil kapag ganito ang nangyayari, ayaw namin ni Will na tignan siya kapag pinapagalitan niya kami.
Paano kasi, pangit na nga itsura, lalong pumapangit pa. Natawa ako ng palihim.
Para matapos na, sabay kaming nagsalita ni Will, "Sorry na po, Ma'am," pero nagdagdag pa ako, "Ginawa ko lang po 'yon dahil katuwaan lang naman po ang nangyari."
She snorted and said testily vehement, "Katuwaan?! Sa tingin nyo ba nakakatawa 'yang ginawa niyo?! Nam-bulabog kayo! Pa'no na lang kung malaman ito ni Mrs. Rodriguez? Ano? Gusto niyo, isumbong ko na kayo?"
Napa-tikom na lang kami ng bibig. Pero nang marinig ang pangalan ng principal, do'n na kami umapila.
"Ma'am! Iba na lang po, huwag lang po 'yan," paki-usap kaagad ni Will.
Sumingit din ako, "Ma'am, kayo na po bahala sa 'min. kahit ano na lang po ang ipagawa niyo, ma-shut up lang ang mouth niyo," Pagka-sabi ko non, natawa si Will at nahawa rin ako.
Pero tila lalo pa nagalit si Ma'am. Her face now purpled with emotion but when she heard that we want something to be exchanged for keeping this to the Principal. Nagbago ang kaniyang itsura. Nag-isip siya at alam kong 'di magiging madali 'to sa 'min kumpara sa mga previous punishment.
Nagsalita ulit si Will, "Madali lang po sana ang gawin namin Ma'am bu- " pinanlakihan ko ng mata ang katabi at kaagad naman nitong tinikom ang bibig dahil 'di na naman niya mapigil banggitin ang tawag namin sa kaniya.
Anak ng, siya lalo magpa-pahamak sa 'min e.
"Come again? Paki-ulit nga?" She demanded to repeat it but Will shook his head. "Ah...Wala po," he paused a bit then continued, "Sabi ko po, sana po madali lang hehe," he asked with a respect.
Nag-isip si ma'am kung ano ang magiging punishment at dahil nga nambulabog kami ng klase ay paniguradong mabigat 'to. Umayos kami ng tumikhim siya. Nilagay ko ang kamay sa likod at naalala ko na nasa tabi pala si bads kaya pasimple kong hinarang ang pwet ko ng dalawa kong kamay.
I side eyed him and he saw what I'm doing. Kumibot ng konti ang kaniyang labi. Tawa ka? Ibalagbag kaya kita?
Tsaka ba't andito pa 'to? Ano pang kailangan niya rito? Napatingin kami kay Ma'am nang magsalita ulit siya.
"Sa dalawang classroom na binulabog niyo, kailangan niyong linisin ang room nila kasama na ang inyo," she command boldly.
Laglag ang panga namin ni Will sa utos. Pucha? Seryoso ka ma'am? Ni Hindi nga ako naglilinis ng bahay, sa classroom pa kaya? Tumatakas na nga lang kami 'pag kami na ang nakatokang maglinis tapos 'yan ang gagawin namin?! Da fuck?!
Napansin ni ma'am burat ang reaksyon namin.
"Oh ba't gulat kayo? No more excuses dahil kapag nagreklamo kayo, bahala na kayo kay Mrs. Rodriguez mag-explain, Kaya, gew! Gawin niyo na!" Then she changed her mood and looked at Eitan and said, "Eitan, gusto kong ikaw magsabi sa mga students na nasa labas at papuntahin muna sila sa gym para do'n muna. Thank you," mabait niyang utos kay bads.
BINABASA MO ANG
You, Again?
Teen Fiction[Kupal Series #1] Clover, an ABM Grade 11 student, is known for his troublesome ways and his belief that "a kupal will always be a kupal." But when he meets someone who keeps constantly stands in his way, things take an unexpected turn. Could this p...
