Sorry guys, you thought I ghosted you but not. I love you, okay? Huwag na tampo. 😉
°♦☘️♦°
Where's bads? Mag-uumpisa na ang laro namin oh. Kailangan ko ng kiss. Pampagana ba at kahit ‘di pa nag-uumpisa, nanghihina na agad ako.
First day pa lang ng intrams pero may sabak na kaagad kami at nalaman na rin namin na ang katunggali namin ay ang mga STEM. Hanep, naalala ko ang laro namin noon. Kung makikita ulit ngayon, sila pa rin ang nakalaban namin.
Pero wala sa kanila ang pokus ko dahil nagpalinga-linga ako para hanapin si bads sabi niya manonood raw siya. Chinat ko naman na siya kanina pero wala pa akong natatanggap na reply. Busy ba siya?
May umakbay sa ‘kin at napapitlag ako dahil yung isang kamay niya kinapa ang junior ko, “Ba't ‘di mapakali itlog mo, par? Kinakabahan ka ‘no?” Asar ni Will.
Sumimangot ako at tinanggal ang pagkakahawak niya itlog ko, “Gago, hindi! Sa’n naman ako kakabahan? Sa kanila? Tsk, dapat nga sila ang kabahan e,” Asik ko.
Natawa siya, “Gano’n ba? Pero kasi napapansin ko may hinahanap ka e, andito jowa mo ‘no?”
Tinignan ko siya nang masama, “Ulol! Kung nandito ‘yon, edi sana pinakilala ko na sa inyo kaso may nakikita ka ba?”
His lips became downward and he made a face to tease me more. After that, nagpalinga-linga rin sa siya na akala mo’y may hinahanap din. Parang tanga ampota. Ni hindi ko na nga makita, hahanapin mo pa.
“Sus, masyado ka namang defensive par! Binibiro ka lang e!” Sabay halakhak niya.
Hanggang sa nag-umpisa na ang laro wala ni kahit anino lang niya hindi nagpakita. Ramdam ko nga rin na mukhang ‘di maganda ang laro dahil sa ‘kin. Tambak na kami ng 19 points sa kanila.
Sinisigawan na ‘ko ni Coach pati na rin mga teammates ko. I don't know pero kahit ako naiinis na rin. Habang naglalaro, ‘di ko tuloy lubos mag-isip ng kung anu-ano.
Sana man lang nagsabi na siya noong una hindi yung ganito. Wala man lang update kung anong nangyayari sa kaniya.
Pa’no na lang if naaksidente siya? Natapilok? Nadapa? Nabunggo yung daliri sa paa niya? Nakalimutan ang jacket o kahit ano man? Sensitive pa naman ang bads ko. Tsaka ‘yung salamin niya? Hays.
Sino na lang tutulong sa kaniya kung gano’n nga ang mangyari?
Dahil do’n, hindi ko sinasadyang mabunggo ng malakas ang kalaban dahilan para bumagsak siya at namali ng pagkabalanse ng kaniyang kaliwang paa.
Nagtagil lamang ang laro nang sumipol ng malakas ang referee. Lahat ng nanonood ay natahimik at ang naririnig na lang ay ang daing nung nabunggo ko. Doon ko na namalayan ang nangyari.
Mabilis akong lumapit sa kaniya, “Pare, sorry,” paghingi ko ng tawad sa kaniya kahit na alam Kong ‘di niya tatangapin. Hindi ko rin naman kayang itanggi dahil halata naman na kasalanan ko nga.
Natulala na lamang ako nang mariin niyang tinabig ang pagkakahawak ko sa kaniya. May lumapit na sa kaniyang medical aids para ilagay siya stretcher at binuhat palayo sa amin. Sinundan ko ito ng tingin.
“Oy pre, oks ka lang?” Nag-aalalang tanong ni Will.
For sure they will call my parents about this and I don't know what will happen to me this time. I think I made a big mistake since there is a person involved. Fuck. Clover. What have you done?
Hindi ko siya sinagot at tinulungan na lang niya ako tumoayo tsaka inalalayan papunta kila coach.
“Clover! Ano bang nangyayari sa ‘yo?! Hindi ka naman ganiyan last practice ah?! Why?!” Singhal niya sa ‘kin.
BINABASA MO ANG
You, Again?
Teen Fiction[Kupal Series #1] Clover, an ABM Grade 11 student, is known for his troublesome ways and his belief that "a kupal will always be a kupal." But when he meets someone who keeps constantly stands in his way, things take an unexpected turn. Could this p...
