°♦☘️♦°
"H-hoy sa'n mo 'ko dadalhin?"
Hindi ko alam kung bakit ako nagpatianod pero may part sa 'kin na parang gusto ko siyang panoorin kesa sa kapatid ko.
He didn't answer me. Habang hinihila niya ako, napatingin ako sa maputi niyang kamay na nakahawak sa 'kin. Again, masasabi kong ang lambot talaga ng palad niya at mainit.
I thought we're just come here to play pero nagtaka ako nang lagpasan lang namin 'yon at dinala niya ako sa karaoke? Gago, ano trip niya?
We stopped in front. Nawala rin ang kaniyang mainit na palad na nakahawak sa 'kin. Napanguso ako. I don't know why, but when he took it off then I felt a little sense of regret. Iniwan niya muna ako saglit para kausapin ni bads ang isang staff na siyang magbubukas dito sa napili naming p'westo. Hindi rin naman nagtagal at tuluyan na kaming pumasok.
Yung upo namin may patlang sa gitna. Ayokong tumabi sa kaniya nang malapitan baka magreact ulit ang katawan ko. Mahirap na. Nasa public place pa naman kami.
Tumikhim ako at nagsalita, "Hindi ako kakanta ah."
He chuckled, then he slid his right hand into his one pocket and I saw him grab his eyeglasses, "I told you just to watch, okay? At ayoko rin naman na pilitin ka kung ayaw mo naman."
Umismid ako, "Buti alam mo, tsaka hindi ka ba mapapaos d'yan? Papagurin mo lang boses mo."
He narrowed his eyes at me, trying to hide a smile. "Bakit? Are you concerned now? Don't worry, for sure you will like it naman." Then he flashed a smile with his teeth and wink. He also look triumphant of what he said. Ha! Yabang ni mokong!
Nanlaki ang mata ko at nagulat sa ginawa niya. Did he just? Did he just....winked at me?! Pucha, no wonder...bading nga talaga 'to! I felt goosebumps.
I hissed and looked at him disgusted, "Yak! May pakindat-kindat ka pang nalalaman kadiri! Ang dami mong dada! Kumanta ka na riyan!"
After that, tawa lang ang kaniyang ginawad sa 'kin. Kadiri ampota.
Tsaka anong concerned? Ulol. Ang swerte niya naman. Bakit? Maganda ba boses niya? Tsk. Baka katulad niya nga rin si ma'am burat na boses palaka. Assuming ampota.
Limited lang ang oras nitong karaoke. Sana naman matapos na agad 'to. Baka mawala ro'n ang kapatid ko, pagalitan na naman ako ni mama. Bale, pipili ka ng sampung kanta para lang sa 25 minutes. Kaya ba ng boses niyang kumanta sa loob ng oras na 'yon? Hanep na 'yan.
Nagsimula na siyang pumindot ng mga kanta.
Akala ko, magpapantig ang tenga ko pero iba pala.
Nakahanda na sana akong tawanan at asarin siya e, pero naghintay lang ako sa wala. And yet here, I thought it was just his voice that would draw me in, but there's something deeper that only I seem to hear. I didn't even notice how long I've been lost, just staring at him and with every song that I've heard, there's only one word that comes to my mind—he's good.
Pucha. Oo na, siya na. Siya na ang magaling.
Sa totoo lang, ang hirap niyang iwasan. I mean sa lahat...tangina.
Habang tinitigan ko siya kasabay ng kaniyang pag-kanta, may pagkakataon akong tignan siyang mabuti. If I would describe him; matalino, may itsura, may katawan na ipagmamalaki at magaling pang kumanta. Sa'n ka pa 'di ba? Tsaka masasabi kong..kahit na ganiyan siya..hindi niya pa rin hinayaan ang sarili, knowingly that he is an albino.
Akalain mong may ganito palang binigay galing sa taas. Bakit man lang ako, ni isa walang natanggap? Pucha, no'ng umuulan ba ng ganito, tinago ba 'ko ni mama? 'Di man lang nabigyan ng talino e. Pero at least, may mukha naman akong ihaharap. Tanging kapogian ko lang ang siyang namamayagpag. I smirked at my thoughts.
BINABASA MO ANG
You, Again?
Ficțiune adolescenți[Kupal Series #1] Clover, an ABM Grade 11 student, is known for his troublesome ways and his belief that "a kupal will always be a kupal." But when he meets someone who keeps constantly stands in his way, things take an unexpected turn. Could this p...
