[Kupal Series #1]
Clover, an ABM Grade 11 student, is known for his troublesome ways and his belief that "a kupal will always be a kupal." But when he meets someone who keeps constantly stands in his way, things take an unexpected turn. Could this p...
Ako ang huling lumabas sa gate kaya ako na rin ang nag-lock nito at dali-dali rin akong pumasok sa kotse dahil mariin na ‘kong tinitingnan ni mama at umupo kaagad sa backseat katabi ng kapatid ko.
“Ang bagal mo mag-ayos Chleo mas dinaig mo pa ang babae,” reklamo ni mama sa ‘kin.
Si papa ang sumabat, “Hayaan mo na lab, kita mong binata na ang anak natin, kailangan na niyang magpapogi lalo na’t makikita na niya yung pinaghandaan niya ngayon.”
Napangiti ako, “Kaya lodi kita dad e!” sambit ko at nag-fist bomb kaming dalawa. Natawa kami. Si mama naman napairap na lang at pinaandar na ni dad ang sasakyan.
Nilingon ko si Elai sa gilid at busy na naman ‘to sa kaniyang iPad. I guess she's talking again with that freak. Her and that stupid game. Sa laro na ‘yan ay nawalan na ‘ko ng gana dahil ayoko na bata ulit pa ang makausap ko. Tangina, baka pedo pa itawag sa ‘kin. Bumuntong hininga ako at sumandal na lang dahil wala rin akong magawa kaya nilabas ko muna phone ko.
KUPALS
1:25 PM
Pareng Willie:
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ay nasend 🤭
Perrydaplatypus: HASHHHAHHAHA
Cloberpinger: pakyu ka will
Pareng Willie: gagi ganyan ako magtwerk pre usto mo sampelan kita? 😉
Perrydaplatypus: proof pls HAHAHAHA
Cloberpinger ge gawin mo sa skul @perry message mo ba't nakalitaw? san k?
Pareng Willie: oo nga nu perry?! perry?! wer r uuuuuuu?!
Perrydaplatypus: mga gago pati rito aasarin nyo ‘ko hindi nman ako masyadong maitim huy 😭
Cloberpinger: try mo kaya magrejuv uso un e baka maglight onti ang skin mo o d kaya maging strawberry latte ka HAHAHAHAHAHA
Pareng Willie: shet pre @perry mas lalo kang sasarap don HAHAHHAHAHAH
Perrydaplatypus: deputa kayo 🖕🏽
Tawang-tawa ako habang inaasar namin si Perry. Well, hindi naman siya masyadong maitim pero mahahalata mo na moreno siya at ikinabagay niya pa lalo sa kaniya. Talagang niloloko lang namin siya. We know naman na wala lang sa kaniya ‘yon.
Hindi ko namalayan, nakarating na pala kami. Kinabahan ako bigla. ‘Di ko alam kung ito bang nararamdaman ko ay pagka-sabik o baka nag-expect lang ako na nandito pa siya. There is a possibility kasi na inampon na siya.