Kabanata 21

281 17 8
                                        

°♦☘️♦°

Eitan Fray Fulgencio

8:00 AM


Hey, I'm already here at school.
Ingat :)

Geh

Together with your pet.

Geh

D’you have a problem?

Wala

Okay. See u. ;)

Seen

Sabado. Ito na ang araw kung saan hinahatid na namin ni dad si mama sa school para kunin ang card ko. The moment of truth. Kung noon na wala akong paki sa mga grado ko, ngayon meron na. Kahit pasang-awa lang ‘wag lang sabit. Tangina, mapapalayas talaga ako sa bahay ng ‘di oras.

Napag-usapan nga namin kahapon ‘yan ni Will at as usual ‘di na naman makukuha ‘yung kaniya dahil ewan ko galit ata siya sa tatay o ayaw niya lang ipapunta dito. Tsk, kinakahiya niya ba tatay niyang bakla? Tsaka kada weekend din pala yung part time job niya kaya walang mag-aasikaso. Nag-alok nga ‘ko na kung p’wede si mama na lang kumuha kaso ayaw naman niya.

Si Perry naman matagal na ring ‘di na namin nakakasama. Ewan ko ba ro'n. Parehas sila ni Will na may trabaho, ako lang wala. Minsan parang gusto ko na ring i-try e, pero ‘pag nalaman naman ni mama baka sa kalsada na ‘ko matulog.

Tapos nandoon na raw sa school si bads. Ang aga niya naman. Nababanas ako sa kaniya. Ewan ko kung bakit. Tinatanong niya kung may problema ako? Tanga ba siya? Nakita ko kaya silang magkasama kahapon ni Natie. Sino mabibwisit do'n? Ni hindi ka man lang bisitahin ng dati mong kaibigan at sa kaniya pa?

Tsaka isinawalang-bahala ko rin ang kutob ko kay Natie dahil panigurado namang ‘di niya gagawin 'yon. Pero ang mas bumabagabag sa ‘kin ay bakit parang napapadalas ata na nasa school lagi si Natie? What is she doing there?

I was back in reality when mom suddenly spoke about my grades.

“Siguraduhin mo lang na wala kang bagsak, Chleo. Kung hindi, sinasabi ko sa ‘yo.” Banta ni mama.

Dumungaw ako sa likuran niya, “Wala ‘yan ma, pero p’wede naman siguro sa ‘yo ang 79? Pero 'pag hindi, dagdagan ko na lang ng piso para maging 80,” biro ko sabay tawa.

Nilingon ko si dad dahil natawa rin siya. Oo nga pala, naalala ko na magpapaturo dapat ako sa kaniya kung pa'no mag-drive. Baka kasi asarin ako ni bads dahil ‘di ko na naman matupad ang mga sinabi ko.

“Kalokohan mo, Chleo. Baka gusto mo, gawin kong piso ‘yang baon mo?” Pabalang na sagot ni mama.

“Kuya is so bobo. Ew,” Dining kong pag-singit ni Elai. Pucha, ano raw? Tinawag ba niya ‘kong bobo? Ang kuya niyang pogi? Bobo? Ha!

Kunot-noo ko siyang nilingon ko sa tabi, “Hoy Elai, bibig mo baka i-stapler ko ‘yan?”

She stopped playing with her iPad when she looked at me. Tinaasan niya lang ako ng kilay at nilabas ang kaniyang dila tsaka bumalik na ulit sa nilalaro. Nakita ko naman kung ano pinagkakaabalahan. Tanginang Roblox ‘yan ampota. ‘Di na natigil naging adik na.

I tsked. Bumalik ako kay dad para humingi ng pabor. “Dad, turuan mo nga po ako on how to drive.”

Sumulyap si dad sa ‘kin sa rear mirror, “Why? D’you have someone to give a ride, or baka naman may passenger princess na ihahatid?” Dad said mockingly.

You, Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon