°♦☘️♦°
“Oks lang ‘yan pre, bawi na lang sa susunod,” payo sa ‘kin ni Will.
Hindi naman yung resulta ng exam ang iniisip ko kasi wala naman akong paki do’n, kundi yung nangyari no'ng sabado. Mula kasi no'ng natapos ang pakikipag-usap nila mom at dad sa kanila ay hindi na rin kami nag-usap pa ni Natie at hanggang sa matapos ang event ay wala pa rin kaming kibuan dahil ayoko munang marinig sa kaniya kung anong rason niya sa pagmamadre at buti na lang ay ‘di niya ako nilapitan dahil napansin niyang umiiwas ako.
‘Di ko alam pero parang nagkaroon bigla ng malaking pader sa pagitan naming dalawa at alam kong bawal makipagrelasyon ang isang madre.
Kakarating nga lang namin no'n sa bahay ay hindi na nakapagtimpi si mama na asarin ako pati rin si dad. Niloloko nila akong mag-pari na lang kesa umasa pa sa kaniya. Galing ng magulang ko. Ramdam ko ang full support nila. Bwiset.
Tapos dagdag mo pa na nandoon si bads na ‘di ko alam kung bakit siya invited. Hindi naman siya pinakilala sa ‘min nila Sr. Nelly pero kung umaligid sa ‘kin parang hanggang doon e ginagampanan ang pagiging president. Makabantay wagas.
“Gago, ikaw pa talaga nagsabi niyan? Tsk, ekis sa bawi,” sagot ko.
Tumawa siya, “Edi sa'n na tayo niyan?”
Ginawang halfday lang ang exam namin dahil para raw bigyan kami ng time para makapagreview. Sus, review-review pa e wala namang napasok sa utak namin. Bukas ay panghapon naman ang aming schedule at ayaw pa naming umuwi ni Will dahil boring sa bahay.
An idea just crossed my mind, and I know it's unexpected, but I'm certain tomorrow will be a joyful day.
“Tol, tara punta tayo mall tapos balik uli tayo rito.”
Ngumiti kaagad ng nakakaloko si Will. Tangina mo tol. Nadali mo. Tama ang iniisip mo kung ano man.
“Ge, ‘no plano?”
Binulong ko sa kaniya ang plano at walang minuto ay pumayag na siya agad. Kaya kumaripas na kaming tumakbo patungo sa classroom nila Perry para sunduin siya at nang ‘di pa kami nakakalapit ay sakto namang lumabas na siya sa room nila. Great timing nga naman oh.
“Perry!” Tawag namin sa kaniya.
Perry's face lit up when he saw us. As we got closer, we put our arms around him from both sides, with him in the middle.
He glanced back and forth at us, squinting his eyes as if he were anticipating something to happen.
Bumuntong hininga siya, “Hindi ako sasama sa inyo, magrereview ako.”
“Tol! Sige na, ngayon lang naman e. Diba pre?” sabi ko tsaka ko tinanguan si Will para damayan ako.
“Oo nga tara na Perry, libre raw ni Clover ulit.”
“Ngina mo Will, puro ka libre!” asik ko.
Dahil do'n ay natawa sila. Gago mukhang libre talaga si Will.
Umiling si Perry at tinanggal niya ang pagkakaakbay niya sa ‘min pero siya naman itong umakbay.
“Kung ano man ang plano niyo, ‘wag niyo ‘ko isama ha dahil magrereview pa ako tapos alam niyo namang exam ngayon ay tsaka kayo tatamaan ng topak? Mga kupal,” pangaral niya sa ‘min.
Wala na talaga kaming nagawa ni Will kundi huwag na siya isama sa binabalak naming gawin. Umuna na ito at nagpaalam ng umuwi pero kami ni Will ay tuloy pa rin. Pursigidong mag-aral ampota pero sa loob naman may topak din.
Pumunta na kaming mall at dumiretso sa Hardware Store para bilhin yung bagay na ikakasaya bukas ‘pag nag-exam. Dali-dali naming binayaran ang binili at tumakbo kaagad pabalik sa school baka kasi sarado na ang classroom namin.

BINABASA MO ANG
You, Again?
Jugendliteratur[Kupal Series #1] Clover, an ABM Grade 11 student, is known for his troublesome ways and his belief that "a kupal will always be a kupal." But when he meets someone who keeps constantly stands in his way, things take an unexpected turn. Could this p...