Belated Happy New Year Guys! Sorry for the long delay. Peace.
°♦☘️♦°
Sabay kaming lumabas ni bads sa lab. Tahimik at walang imikan matapos naming gawin ang 'di ko inaasahan. Tila ngayon lang kami tinablan ng hiya matapos ang nangyari. O, ako lang ba? Potek, ang awkward kasi e.
Kaya pasimple kong iniwas ang mukha para 'di niya makita na nag-iinit ang pisngi ko nang maalala ulit 'yon.
Pero napapitlag ako dahil bigla niyang hinawakan kamay ko at iniangat pero hindi ko pa rin siya nililingon. Ano 'to? Holding hands while walking? Shit. Hindi pa 'ko handa para rito. Ngingiti na sana ako kaya lang naudlot din.
He spoke and his voice sounded worried, "What happened to your hands? Ba't may maliliit na sugat?" Doon na ko napalingon sa kaniya dahil sa tanong. Akala ko pa naman...tsk.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa 'kin at kinamot ko ang batok dahil sa hiya pero napa-aray din ako sa hapdi. Takte, ngayon ko lang naramdamang may sugat pala ako dahil sa paghuhugas.
"Ah...wala 'to bads...daplis lang 'to ng ano...bola...ayon! Tama! Sa bola lang 'to bads hehe," palusot ko na siya namang 'di umepekto sa kaniya.
Hindi siya nagsalita bagkus ay tinaasan niya lang ako ng kilay at hinila ako sa may mga upuan na nakahilera lang sa labas tsaka umupo.
Pinanood ko lang siya at nakita kong may nilabas siyang small kit mula sa kaniyang bag at kinuha niya uli ang kamay ko para gamutin.
Habang naglalagay nagsalita siya, "You should be careful next time. Ano ba talaga nangyari? Tell me, I won't scold you," Pakiusap niya sa 'kin sa maingat na paraan.
I bit my lip and sighed as if I'm defeated. "Promise muna bads, na hindi ka tatawa," Saad ko habang nakapokus pa rin siya sa pag-gagamot ng mga daliri ko.
Napatigil siya at napaahon tsaka tinignan niya ako ng seryoso. Inayos pa nito ang kanyang salamin. I secretly smirk. Tangina, nahalikan ko ba talaga 'to? Masyadong pogi e.
"I won't, don't worry. If it would be embarrassing for you, I'll keep it to myself," He seriously assured me.
Tumikhim ako at napaiwas. Tanginang bads 'to, alam niya kung pa'no ako kunin e.
"After ko kasing mapakinggan 'yong vm na sinend mo...siyempre," Huminto ako. Parang ayokong ituloy shet. Nakakahiya naman para sa 'kin na sabihin 'to. Ako ba talaga 'to?!
Partida, ang kapal kong gumawa ng kalokohan pero titiklop lang para sa kaniya?! Hanep na 'yan.
Wala e, lintik na puso 'to, binulabog niya. Ayun, naulol.
I looked at him and his face was stern as he waited to continue what I said.
Iniwas ko ulit ang paningin at tumingin sa baba. Nakakahiyang sabihin kahit ayaw ko. Kung magpapalusot pa ako, malamang 'di uubra sa kaniya. Genius kaya 'yan. Lahat na lang nakuha niya. Pati na rin ako.
Pinagpatuloy ko pero hininaan ko na ang boses, "Siyempre...ano...medyo...kinilig ako dahil do'n, e kumakain kami no'n kaya ako na ang nagpresintang maghugas ng pinag-kainan."
"Then how did you do it? I know you, you can't do chores," Pag-pranka niya sa 'kin.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa narinig. Alam ko naman 'yon e. Tinry ko lang naman dahil nahype ako sa pag-tawag mo sa 'king bading ka.
Inangat ko ang ulo at matapang na tiningnan siya. "Kasalanan mo 'to e! May pa-vm ka pang nalalaman, ayan tuloy, nanood pa 'ko ng tutorial kung pa'no maghugas at dahil do'n nagkasugat-sugat pa mga daliri ko. Tiniis ko 'to habang nagtetraining ako kanina!" mahabang paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
You, Again?
Jugendliteratur[Kupal Series #1] Clover, an ABM Grade 11 student, is known for his troublesome ways and his belief that "a kupal will always be a kupal." But when he meets someone who keeps constantly stands in his way, things take an unexpected turn. Could this p...
