Kabanata 31

191 10 0
                                        

°♦☘️♦°

Kakalabas ko lang sa banyo at may narinig na ‘kong pagkatok. Napatigil ako nang marealized na baka si bads na ‘yon.

Teka, alam na niya kaya na nandito na 'ko? Shit.

Kaya agad-agad akong nagbihis at inayos saglit ang aking buhok kahit basa pa tsaka hinanap ko ang deodorant at pabango tapos pumunta na sa pintuan para buksan.

Nakahanda na ‘kong ngumiti pero naudlot ‘yon dahil nakita kong  si Sr. Natie pala ang kumatok. My shoulder slumped because of that. I guess she saw me disappointed? Well, oks lang. Wala naman na akong pakialam sa kaniya.

Tumikhim ako at ngumiti saglit, “Ay ikaw pala Sr. Natie, ano ‘yun?”

“Pinapatawag ka na ni Sr. Nelly dahil kakain na raw,” Saad niya ng may ngiti.

Kung ganoon, napatagal pala ako sa pagligo?

“Ah sige, mauuna ka na…baka sabay na lang kami ni kuya Eitan,” Sabi ko.

Hinintay ko siyang umalis pero hindi siya gumalaw bagkus ay nagsalita ulit siya.

“Bale, nauna na roon si Eitan..siya muna pinuntahan ko bago ikaw.”

Tumaas kilay ko sa sinabi niya. Ano raw? Ba't ‘di na lang kaya siya ang mauna? Pakshet naman oh! Nakauwi na pala si bads nang ‘di ko alam? Tinago ko ang pagkairita sa kaniya at ngumiti ng pilit.

“Ah gano'n ba? Sige kunin ko na lang saglit phone ko,” Sabi ko tsaka kinuha ang phone na nasa kama. Binulsa ko ‘to kaagad.

Sinulyapan ko siya at nagtaka ako dahil hindi pa siya umaalis at tila’y hinihintay yata ako. Hinayaan ko na lang at lumabas na. Napagtanto kong sabay nga kami papunta doon.

I smirked. Kung noon na gusto pa kita ay baka kiligin na ‘ko ngayon kaso wala na e. Iba na kasi ang gusto ko. Naalala ko na hindi niya ‘ko pinansin kanina nang lumabas siya sa kwarto ni bads. Gusto ko sana tanungin kung anong dahilan.

Tahimik kaming dalawang naglalakad sa hallway. Tanging tunog ng tsinelas at sapatos lang namin ang maririnig.

Siya nagbasag ng katahimikan.

“Close na ba kayo ni Eitan?”

Napakagat ako ng labi sa tanong niya. Seriously, that's your first question? E kung sabihin ko sa kaniya na hindi lang close, ano naman sa kaniya? Tsk.

“I think so. Mabait naman si kuya sa ‘kin. Why?” Halos masuka ako sa sagot ko. Ayoko kasing banggitin yung kuya. Boyfriend ko ‘yun hindi kuya. I bit my inner cheeks when I thought of the word boyfriend.

Umiling siya, “Wala naman, ang alam ko…hindi kayo magkasundo kaya nagtaka lang ako kung bakit parang maayos na kayo sa isa’t isa. Don't get me wrong okay, that's nice anyway.” Mahabang paliwanag niya.

Napatango ako sa kaniyang sagot. Oks rin pala ‘tong kausap e. Akala ko naman, aangal.

“Talaga? Sa tingin mo maayos na kami? E napakasungit nga nun!” Natatawa kong sabi.

“Sinabi mo pa. Dinaig pa niya kaming babae,” natatawa niya ring sagot.

Natawa na rin siya sa sinabi ko at napansin ko kapag sk bads pinaguusapan, ang saya niya. Sabagay, friend niya kuno kaya ganito siguro. At sakto na rin ‘to, baka masagot na niya ang nagpapagabag sa ‘kin kanina pa.

“Uhm…Sr. Natie, can I ask?”

Tumingin siya sa ‘kin at tumango, “Sige lang, ano ‘yun?” Mahinhin niyang pagtugon.

You, Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon