Kabanata 17

256 13 2
                                    

°♦☘️♦°

We arrived to the said location around past lunch. Ni walang isa sa ’min ang balak na kumain sa kadalihanang kailangan muna naming asikasuhin si pst.

Hindi ko rin inaasahan na malayo pala ito. Pero kahit na gano'n ay kaagad naman namin nahanap ang sinasabing clinic dahil mismong bayan lang din siya nakapwesto.

“For now, please leave it here, and we’ll check your pet. To keep you updated, kindly fill out this form with your details,” the receptionist said. 

Hinayaan ko na muna si Bads na gawin ang pinapagawa. Kahit ako ang may-ari, siya pa rin dapat ang nakatoka diyan dahil siya naman ‘tong nag-aalaga pansamantala kay pst.

Buti na lang daw dinala na namin kaagad si pst sa vet dahil baka lumala pa raw yung sakit niya. Sinabi sa ‘min na may lagnat at sipon siya. Kaya pala ‘di siya makakain.

Akala ko mamamatay na siya.

Pero kapag pinabayaan ’yan ni doc, baka sa kulungan na siya matulog.

Habang hinihintay siya, ay naisipan kong libutin ang clinic. I can see that there are also rabbits here, their soft fur gleaming under the clinic’s lights. Some were nibbling on hay, while others rested quietly in their enclosures, their twitching noses catching my attention.

I noticed a wall filled with colorful posters about pet care—tips on grooming, proper nutrition, and vaccination schedules. There was also a corner dedicated to adoption, featuring pictures of animals waiting for a new home.

Naisip kong sapat na si pst para sa ‘kin at ayoko na magdagdag pa. Tsaka alaws akong pera para mag-parami ng alaga. Pero hinihiling ko sana lalaki na lang si pst edi mas makakatipid pa 'ko at gusto kong ipakapon siya para ‘di na rin makajomba.

Additionally, I observed that this clinic felt alive, not just with pets but with stories—each animal here carrying its own journey of care, healing, and love.

Binalingan ko si bads kung tapos na siya pero hindi pa pala. He seemed focused, and I decided to let him be. For now, exploring the place was a welcome distraction.

“I'm done, let's go?”

Narinig ko siya sa likod. Kaya humarap ako.

“Ano raw sabi? Kailan daw siya makukuha? Babae ba siya o lalaki? Magkano binayad mo?” Sunod-sunod na tanong ko.

“Hindi mo ba narinig? It is said that they will update us,” he answered irritably.

Inis agad? Aba malay ko ba kung sinabi o hindi. Tsaka hindi ko rin naman masyado tinuonan ng pansin si Doc dahil ang atensyon ko ay na kay pst. Siya lang naman ‘tong kausap niya.

“And it is a….boy,” dagdag pa niya.

Napangiti ako. Shet! Nadinig ang hiling ko! Pero kahit na lalaki siya, hindi ko pa rin papalitan ang pangalan niya.

Maganda nga e! Lahat mapapalingon.

“Eh, Ilan naman ang binayad mo?”

Sa tanong ko ay tila nag-iba ag ekspresiyon nito at naging seryoso siya  Kinutoban ako. Bakit? Anong problema nitong si bading?

Hindi niya singot ang tanong at ko at naglakad na siya palabas kaya sinundan ko na rin at habang nasa likod niya ako ay nahagip ng mata ko sa bag niyang may keychain. Parang kasin-laki ng keychain na nakasabit din sa bag ko pero ang kaibahan nga lang ay four leaf clover ang itsura.

Bakit? Minamalas ba siya para magkaroon ng ganyan? I secretly laughed. Buti nga sa ‘yo. Alangan namang ako ‘yan? 'Di porket parehas kami ng pangalan e, i-ke-claim ko na? Nah.

You, Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon