Kabanata 13

207 8 1
                                    

°♦☘️♦°

A week had passed, and a new month came. Instead of going through with my plan to throw a party on Saturday, Mom insisted me to the dental clinic for a cleaning.

Bagaman ay pinilit ko pa siya na kung pwede ayain lang yung mga kaibigan ko pero sadyang ayaw pa rin niya akong payagan, dahil sabi nga grounded ako.

But at least Dad kept his promise and let me have a drink with him. It was fun, and despite his busy schedule, he still made time to celebrate my birthday with me. However, after hearing what he said about filing a case, I'm deep in thought and unsure how to respond.

He gave me time to think, but days already passed, and I still had no answer. What should I do?

Noong ginawa niya iyon sa akin, inasahan kong hihingi siya ng paumanhin o kaya'y sasabihing hindi niya sinasadya, para kahit papaano ay mapalampas ko pa. Ngunit kabaligtaran ang nangyari-masaya pa siya sa ginawa niya.

"Tol, welcome back! Kamusta? Anong feeling ng ma-knocked out?"

Sinapak ko muna si Will bago sagutin. Inaasahan ko na aasarin niya ako tamo, gustong-gusto pa ang nangyari. E kung siya kaya makaranas no'n? Edi tulog din 'to. Tsk.

"Namo, may sagabal lang kaya 'di ako nakapalag,"

He laughed, "Sus! Usap-usapan ka na nga at tawag pa sa 'yo one knock man pfft,"

Lumukot ang mukha ko. One knock man? Pucha! Sa'n naman nila nakuha 'yon?

"Oh, tapos?"

"Kung ikaw tawag sa 'yo gan'on, siya naman yung 'one punch man' gagi tandem talaga kayo pare!"

Inirapan ko siya. Tuwag-tuwa pa talaga ang mokong. Akala niya naman nakakatuwa ang pangyayari e, na-grounded ako. Pero bukod do'n ay inabala ko ang sarili sa kwarto para naman mapahiya ang Eitan na 'yon dito sa school. Kahit na nasa bahay lang ako ay nag-isip ako kung ano pwedeng pambawi sa kaniya.

"Pero tol, narinig mo ba? May kumakalat na chismis at sinasabing bading si President,"

Actually, kanina ko pa 'yan naririnig nang pumasok ako. Mga bulungan pero rinig naman. Yung iba disamayado pa na halata sa mukha. Ang aarte, parang nakipagbreak lang sa jowa. Tsk.

May ibubuga naman nyan e, sadyang sa katawan lang ako nagkulang. Tangina, yayayain ko na talaga si Will mag-gym.

Mukhang napansin na ni Will ang reaksyon ko. Shit.

"Gago tol! Huwag mong sabihing ikaw nag-kalat non, 'di ba ikaw pa nga nagsabi no'n na siya'y beki?" Paratang niya sa 'kin.

I shifted my gaze and shrugged. Answering Will might be dangerous to me. Ayoko na sabihin sa kaniya ang ginawa ko kaya nilibang ko na lang ang sarili sa pagbato ng maliliit na papel kay Latrina.

Hindi naman niya napansin na ako 'yong bumabato sa kaniya. Sa liit ba naman niya talagang 'di niya makikita kaya tumayo siya para tingnan kung sino.

"Mga bwisit! Mamatay na kung sino nangbabato diyan!" Sigaw niya.

Nagkunwari na lang kami ni Will na may ginagawa para 'di mahalata. Pinipigilan naming 'di matawa sa itsura niya dahil nagmumukang Shrek na naman.

"Gago ka tol, nagiging Shrek na rin siya sa paningin ko," bulong sa 'kin ni Will.

Tinikom ko ang labi para pigilan tumawa. Tangina mo, Will 'wag kang ganyan baka mahuli tayo.

Nang sumapit ang lunch ay lumabas na kami ni Will para kumain. Chinat na rin namin si Perry para sumabay pero tumanggi siya dahil may kailangan pa raw gawin. Tsk. Masyadong pagtitipid na ata ang ginagawa ni mokong. 'Di na healthy para sa kaniya na magpalipas ng gutom. Masabihan nga.

You, Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon