°♦☘️♦°
No. Fucking. Way.
How can this be? Shit. Tangina, clover. Anong napasok sa kokote mo at ‘yon ang naisip mo?!
I shook my head. Kadiri! Ba't parang naging maganda sa paningin ko ngayon si bads?! At bakit….nagiging iba ang mga nararamdaman ko sa kaniya lately? Hindi kaya…dahil napapansin kong kasama niya lagi si Natie? No, selos lang siguro ‘to.
Teka, ba't ko ba laging pinapasok sa usapan si Natie kung alam ko naman na wala talaga akong pag-asa sa kaniya? Fuck, this is different before when I'm flirting and I wouldn't fucking deny it that this is the first time. Honestly, I am ashamed to say that my crotch reacted for just his simple glimpse.
Gusto ko si Natie pero hindi ko namang naranasan na gano'n ang magiging reaksyon ng katawan ko. Shit. This is new.
Ah. This is giving me a headache. I don't know what's going on but damn this is wrong.
Kung iisipin mo, parang nakakasuka. Tsaka ayokong banggitin. No. No. No. Nakakadiri. Ako? Sa kaniya? Hell no, over my dead body. I know I'm straight tsaka kaya ko lang sila asarin pero ‘di ko kayang makipag-relasyon sa kanila.
Hindi ko namalayan na napalakas pala ang daing ko dahil sa mga iniisip.
“What's wrong, Clover?” takang tanong ni dad.
Umiling ako sa kaniya at ngumiti ng pilit, “No dad. I'm okay po.”
Pumasok na kami sa loob ng vet at bumungad sa ‘min ang nakangiting receptionist. Bumati siya kaagad nang makita kami at iminuwestra niya na ang daan papunta kay Doc. Nica. Ngayon ko lang nalaman ang kaniyang pangalan dahil ‘di naman ako nakikinig last time.
“Make sure to keep your pet healthy lalo pa't bata pa siya and that kind of breed, they are sensitive so I hope na maalagaan niyo siya nang mabuti.” paliwanag niya kay bads.
Tumango naman si bads at ngumiti rin, “Thank you po, Doc. Nica,”
Habang nakikipag-usap pa si bads kay Doc. ay ‘di ko maiwasang panoorin siya. May naramdaman ako sa loob na siyang ‘di mawari.
“Clover, ba't ngumingiti ka riyan?”
Hinawakan ko kaagad ang aking mukha at napansin kong naka-unat ang labi ko. Fuck. Ba't ako nakangiti? Umiwas ako ng tingin at tsaka tumikhim.
Napakurap-kurap ako. “Ah..Masaya lang ako dad kasi magaling na alaga ko,”
Kinuha na ni bads si pst at pumunta na sa ‘min. Kaya tumayo kami para salubungin siya at tiningnan kaagad naman ito ni dad.
“May babayaran pa ba kayo?” Tanong ni dad sa ‘min.
“Meron po, Sir at ako na po.” Si bads ang sumagot.
Nagtaka si Dad. Paktay, baka akala niya nagpapabayad ako kay bads. Humarap si Dad at biglang nagseryoso ang kaniyang mukha. “Clover, this is your pet, right? Pero bakit si Eitan ang magbabayad?” May halong diin ang kaniyang pagkakasabi.
Napakagat ako ng labi. Ano na sasabihin ko? Tsk. Bahala na. Bago pa ako makasagot, tumunog ang phone ni Dad. Shit, si mama. Sumenyas si dad na umalis at dumiretso siya sa receptionist para siguro magbayad kaya wala kaming nagawa kundi sumunod.
“Hey, I'll talk to your dad,” Si bads.
Umiling ako, “No, ‘wag na. Ako na ang bahala.”
Inagaw ko kay bads si pst at tahimik na pumasok sa kotse. Kung kanina ay ramdam mo ang na magaan lang ang atmosphere pero ngayon, hindi na. Pinaandar na ni dad ang sasakyat at umalis na.