Kabanata 11

148 10 0
                                    

°♦☘️♦°

“Kuya, Sr. Natie is here!”

“Hmmm.”

May lindol ba? Ba't yumu-yugyog? Ang aga-aga, nangbubulabog. Nagpalit ako ng pwesto at mas lalo kong niyakap ang unan. Pero teka, parang may narinig akong pamilyar na pangalan. Natie ba ‘yon? Dumilat ako, at bumungad sa ‘kin ang kapatid kong si Elai na nanggising sa ‘kin.

“Ano kamo? Sino nandito?” tanong ko nang paos.

Tinakpan kaagad ni Elai ang ilong niya. “Eww, kuya! Your mouth stinks! Gan'yan ka po ba kakausap kay Sr. Natie? Ambaho!” diring sambit niya habang lumayo.

I frowned. Ano naman ang ipinunta niya rito? Ba't nandito siya?

“Go na, kuya! Labas ka na, after mo pong maligo! Bye!” Saad niya habang takpan ang kaniyang maliit na ilong at tumakbo palabas ng kwarto ko. Arte ampota.

Pinilit kong bumangon kahit ayoko pa. Kinusot ko ang mata at nag-inat. Madaling araw na kasi ako nakatulog dahil sa nangyari. Marahas kong ginulo ang buhok ko at padabog na naglakad patungong banyo.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na 'ko ng T-shirt at khaki shorts, lumabas na ako sa kwarto. Malapit na pala mag-lunch. Pagbaba, nakita ko silang masayang nagkukwentuhan sa sala.

Akala ko si Sr. Natie lang mag-isa rito, pero kasama pala niya sina Sr. Nelly at Sr. Jo. Nagpahinto ang usapan nang lumapit ako para magmano at bumati. Ngumiti ako kay Natie, kahit nahihiya. I’m shy doing that. Hindi ako sanay magmano sa mas nakatatanda.

“Parang ang lungkot mo ata, Clover. ‘Di ka ba masaya na nandito kami?” tanong ni Sr. Nelly.

“Oo nga, ang tamlay mo ata ngayon,” singit ni Sr. Jo.

‘Di ko rin po alam, Sister.

“Inaantok pa po kasi ako,” sagot ko, na nagdulot ng tawanan sa kanila, maliban kay mama. Alam ko na kung bakit. Galit na naman ‘to.

“Sr. Nelly, ba't po pala kayo naparito?” tanong ko.

“Pumunta kami nang maaga para sa birthday mo dahil baka ‘di na kami makapunta sa mismong araw. May dala kaming regalo. Happy birthday.”

Tinuro niya ang center table, kung saan may box. Bumati rin si Sr. Jo, kaya nagpasalamat ako.

Tumikhim si Sr. Nelly dahilan para maudlot ang tinginan namin at napansin kong masama na ang tingin nito sa ‘kin, “Nga pala, may kasama pa kami, ayaw niyang pumasok dahil nahihiya siya. Pasuyo naman hijo, ikaw na nga ang magpapasok sa kaniya rito, para maipakilala ko rin siya sa inyo,”

Nang hindi pa ako nakakasagot ay tinapik na kaagad ako ni mama. Kainis. Kung ‘di maingay ang bunganga, nagiging sadista naman. Busangot akong lumingon.

“Dalian mo na, baka naiinitan na siya sa labas. Mainit pa naman,” dagdag pa niya.

Tsk. Ako pa talaga, e nandiyan naman kapatid ko. Nilibot ko ang tingin, nasa'n na ‘yon? Ba't nawala? Kamot-ulo akong naglakad papunta sa pinto at tamad na binuksan ‘to tsaka lumabas.

Paglabas ko ay nilibot ko ang paningin. Wala naman siya. Niloloko ata ako ni Sr. Nelly, pero may napansin akong maliit na tsinelas na nasa labas ng kubo. May kubo rito sa bahay namin. Nasa left side siya nakapwesto tapos yung garage naman ang nasa right side. Malawak kasi ang pinili ni dad para sa titirhan namin dito sa subdivision.

Yung design ng kubo ay simple lang pero wala namang bintana sa mga gilid pero open naman siya dahil walang pintuan. Dito rin ako madalas tumambay minsan kapag may gagawin.

You, Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon