Kabanata 14

226 9 0
                                    

°♦☘️♦°


“I'm sorry, Clover,”

Kumunot ang noo ko. Aba, ayos din ‘tong si bads. Tagal ko nang inaantay sa kaniya ‘yang mga katagang ‘yan pero nung narinig ko na, ba't parang wala lang?

Tsaka gago ba siya? Ngayon lang hihingi ng tawad matapos ang ilang pangyayari? Kung kailan, malala na ang sitwasyon?

“Wala na ‘kong paki sa sorry mo bads, ano? Sa tingin mo ba, gano'n na lang kadali ‘yon?” Asik ko.

Lumingon ako sa kaniya. Hindi ko alam kung lungkot ba ang nakita ko sa mukha niya dahil kaagad din nawala ‘yon. Nasa tabi ko pa rin siya pero ‘di kami magkadikit. Nakadantay ang mga braso nito sa tuhod niya at inayos nito ang kaniyang salamin. Sa pagkakatanda ko, tatlong beses na siya nagpalit. ‘Di kaya lens lang ang pinapalitan nito? Same lang kasi yung design ng eyeglasses niya.

Bakit pa ako nakikipag-usap sa kaniya kung sorry lang naman ang maririnig ko.

Tumayo ako na siyang ikinataka niya. Ang nasa isip ko ngayon, paano ko iiwan dito si pst. Ayoko muna kasi siyang iuwi sa bahay baka pagalitan pa ko ni mama at kailangan ko muna magpaalam. Dragon ‘yon e. Naglibot-libot ako sa damuhan. Maghahanap ng pwedeng maging bahay niya pansamantala. Alangan namang basta ko na lang iwan dito ng walang matitirhan? Edi kasalanan ko pa kung mawala ito.

Mukhang napansin niya naman ang ginagawa ko kaya tumayo na rin siya't para maghanap.

Nagsalita siya.

“That paper, I don't know why it went to ma'am Cortez,” panimula niya.

Natigil ako sa paghawi ng damo. Nasa left hand ko kasi si pst. Da heck? Sinasabi ba niyang hindi siya may kagagawan non? Siya lang naman pinag-bigyan ko paanong napunta sa iba? Humarap ako sa kaniya na nakakunot ang noo.

“Sa ‘yo ko lang no'n binigay, ba't naninisi ka pa ng iba?”

Kaagad siyang umiling, “I’m not pointing anyone, it's just that…”

Hindi na natapos ang sasabihin niya dahil sumabat na ‘ko.

“Ano? May kumuha? Nagnakaw? Tanginang ‘yan, ‘di na bago sa ‘kin ‘yan pre!” sumbat ko habang hawak ko pa rin si pst.

Sinamaan niya ‘ko ng tingin, “Bibigwasan ko ‘yang bibig mo, ‘pag nagmura ka pa,” banta niya.

Umiwas ako, “Tsk,”

What's his point anyway? Edi kung may kumuha, wala na ‘kong paki. Ayoko na ring marinig pa mga kwento niya. Tapos na e, anong magagawa ko? Nag-grounded na nga’t lahat-lahat tapos kakausapin ako para sabihin ang rason at nanisi pa? Hanep talaga.

Hindi na siya nagsalita matapos non. Wala pa rin akong nahahanap na pwedeng tirhan ni pst at namumuo na ang pawis sa noo ko habang naghahanap.

“Hey if you want, I can take care of pst just for a while,” he volunteered.

I stopped. Is this his way to make it up? Tsk. Well, I am sorry for him because his tactics don't work for me, and I don't know his intentions or why he was doing it casually as if we were friends.

Bored akong bumaling sa kaniya, “No thanks, ‘pag binigay ko sa ‘yo si pst baka kainin mo pa,”

He chuckled while raising his right hand and his tone sounded pleading, “Promise, I'll take care of pst, and if you want to make sure of pst’s safety, then…..you can visit,”

Alanganin pa niyang sabihin yung huling katagang nasambit. Napataas ang kaliwang kilay ko, bibisitahin? Pumasok sa isipan ko si Natie. Kailangan ko pa pala siya kausapin at humingi ng tawad sa kaniya.

You, Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon