°♦☘️♦°
Siya 'yon.
He's the one who picked me up in the club when I was drunk. I remember the scene: when he was giving me a back ride; sniffing his white neck and when I teased him yet he was so patient, then in the taxi, I teased him and poked his weinee. Tangina, ginawa ko ang mga 'yon? Lahat? Pero bakit parang may kulang pa?
Na-stuck ako dahil hindi pa rin siya umaalis sa pwesto at 'di ko alam kung bakit napunta kami sa ganitong sitwasyon pero naamoy ko na ng tuluyan ang kaniyang pabango at aaminin kong mas oks pa 'to kesa noon na sobrang tapang. Para kasing pampatay ng ipis.
Yet his scent made me addicted at that time or perhaps I was just drunk? Then I felt a thumping inside me. Feels like I ran 100km but I wasn't. Shuta? Ano 'to? Baka pagod lang? Kanina pa kami naglilinis e. Siguro nga.
"Oy! Pucha bold!" Someone shouted.
Automatikong gumalaw agad ang katawan ko at na-itulak ko ng malakas si Bads. Shit. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga kilos ko ngayon at 'di ko man lang nakontrol. Parang ayaw ba makisama ng katawan ko. Pero bakit naman gan'on yung pwesto namin kanina? Bakit siya lumapit at 'di ko man lang naramdaman?
Ang gaan ng lakad niya pucha. Pwede na siyang maging magnanakaw. Nakita kong nabasa ang parteng nasa dibdib niya dahil sa hawak ko ang basang basahan nang itulak ko ito.
"Gago! Anong pinagsasabi mo diyan?! Tanga! May inaabot lang si bads sa 'kin, 'di ba bads?" saad ko at bumaling kay bads tsaka ko siya pasimpleng pinanlakihan ng mata. Mukhang 'di naman siya bobo at na-gets naman niya kaya alanganin pa siyang tumango bago siya sumagot.
"O-oo...'di nga siya marunong mag-linis 'di ba sabi mo...kaya gan'yan," utal niyang sagot. Shuta, ba't siya nauutal? Mahuhuli kami nito e.
Tinitigan kami ni Will at halata sa kaniya na hindi siya naniniwala. Gago, mahirap pa naman 'tong kumbinsihin. Animal 'to e. Bwisit.
Napalunok ako.
Will squinted his eyes on us, "Weh? Kayo ah, sabihin niyo lang kung nagkakamabutihan na kayo," he paused then he looked at me, he gave me a foxy smile, "Clover, sabihin mo na ang totoo. 'Di naman ako magagalit." Taas-kilay niyang sinabi 'yon.
Napasimangot ako. "Gago! Anong sasabihin? May inaabot lang siya kaya gan'on." palusot ko.
Kumunot ng bahagya ang noo niya, "Ano ba talaga? Sino sa inyo paniniwalaan ko kung magkaiba kayo ng sabi?" Sabay turo niya sa 'ming dalawa ni bads. Nagkatanginan kami na kaagad 'ko namang iniwas.
Umirap ako at binalewa ko ang kaniyang tanong tsaka sumagot, "Wala! Tapos ka na ba? Tulungan mo na kami rito!" Bulas ko at bumalik ulit sa ginagawa. Palihim akong napa-buntong-hininga. Wala pa ring tigil kasi ang pag-bilis ng puso ko sa kaba.
Kahit kailan talaga, bwiset talaga si Will, hindi na natigil kasi ang pang-aasar niya sa 'kin habang naglilinis at hanggang sa matapos. Si bads naman, naging tahimik na lang sa gedli at hindi na nagsalita pa. Buti naman baka kung ano masabi niya na naman.
Natapos kami sa oras ng tanghalian. Sabay naming binalik ang mga gamit sa janitors room at dumiretso kami ni Will sa JHS canteen para do'n na kumain. Malapit lang kasi rito kesa bumalik pa kami sa building namin.
Humiwalay na sa 'min si bads at wala kaming imikan nang mag-paalam ito. Ano gagawin? Tanungin ko siya sa harapan ni Will kung ba't gano'n ang p'westo namin kanina? Kainis.
Pero pa'no kaya kapag 'di dumating si Will, ano kaya ang mangyayari? Masyadong malapit kasi ang lapit namin dalawa na akala mo'y konting galaw ko na lang ay maghahalikan na kaming dalawa. Edi kapag, iniangat ko ang ulo ko, malamang sapul ang nguso ko sa kaniya.