Kabanata 24

407 14 9
                                        

°♦☘️♦°

"Pre, ilang araw ka na ng ganiyan. Mukha kang tigang na iniwan ng bading sa kanto dahil diyan sa itsura mo," Saad ni Will habang nagdi-dribble siya sa harapan ko. Nakaupo lang kasi ako tsaka nakahalumbaba. Kaya ayaw kong sumali rito e, nakakatamad.

Nandito kami ngayon sa gym, napilitan lang na pumunta para raw sa training ng basketball dahil isang linggo ang binigay sa 'min para mag-practice. Pero wala pa 'yung coach namin na mag-aasikaso sa 'min.

Tatlong araw na rin ang nakalipas mula no'ng nangyari ang 'di ko ninanais at simula no'n, hindi na ako nakatulog nang maayos. Buti nga, nakayanan ko pang sabayan si dad para lang matuto ako sa pagmamaneho. Iniisip ko kasi na sayang 'yong araw kapag 'di ko ginawa baka wala ng sumunod.

Hindi naman naging mahirap sa 'kin ang pagda-drive dahil si dad puro sigaw siya sa 'kin. Sabi, ang tanga ko raw. Kaya ayon, umuwi kaming dalawa halos magmamadaling araw na. Dahil do'n, pinagalitan kami ni mama.

At tila nagpantig ang tenga ko sa salitang sinambit niya. Ano ka niya? Bading? Sino?! Ako?!

I frowned. Madali na lang ba sa kaniya banggitin ang salitang 'yon?! Tangina, ni ako nga ayaw kong tanggapin e! Nalilito pa nga 'ko pucha. Baka ano nga lang 'to, magaan lang ang loob sa kaniya. Gano'n!

Nagdilim ang aking paningin sa galit at walang pakundangan akong tumayo para lapitan siya at tsaka marahas kong kinuwelyuhan.

His eyes grew wide in response to what I had done, and his expression was marked by a mix of puzzlement and curiosity as he gazed at me.

Hinigpitan ko ito at nilapit pa sa 'kin, "Ano sabi mo tol? Bading? Sino? Ako?!" my voice gurgled with anger, like a volcano about to explode.

I waited for him to answer, but he said nothing, appearing that he's utterly bewildered.

Nagulat din ang mga taong nasa paligid namin kaya agad din silang pumalibot sa 'min para tuklasin kung anong nangyayari. Now, we are causing a scene here and I don't care. At naramdaman na lang namin na may mga lumapit sa 'min para pag-hiwalayin, do'n na lamang ako natauhan.

Sila Adrian, Carl at Jeff pala ang lumapit sa 'min. Hawak ako nila Adrian at si Jeff naman kay Will.

"Oy pre! Tangina, anyare?" Si Jeff kay Will pero 'di siya sinagot dahil hindi niya pa rin maalis ang tingin sa 'kin.

At kaagad ko naman siya binitawan at tinulak. Nagpumiglas ako sa nakahawak sa 'kin at napaatras ako dahil sa hiya. Si Will na inaayos ang kaniyang nakusot na damit habang nakatingin pa rin sa 'kin. "S-sorry." I mumbled then left them.

I don't why am I acting like this. I suddenly freaked out when I heard that word. 'Yan kasi ang dahilan kung bakit 'di ako maayos nitong mga nakaraang araw.

I shook my head in disbelief and took a deep breath, "Clover, what have you done?"

'Di ko namalayan, napunta na pala ako sa tambayan namin. Umupo ako at sumindig sa ilalim ng puno ng mangga. Kakapain ko na sana ang bulsa ko para kunin ang phone ko pero shuta nakapang-jersey pala kami. I tsked. Naroon pala sa bag ko na naiwan sa gym. Tsk, bahala na. Ayoko munang bumalik baka kuyugin nila ako ro'n. Siguro dito muna ako buong araw. Kahit 'di na rin kumain dahil wala akong gana.

Pati kaibigan ko, nadamay na sa letcheng nangyayari sa 'kin. Kahit 'di sila mag-sabi, alam kong alam nila na may problema ako ngayon. Mabuti na lang siguro na hindi muna ako pumasok. Tangina, 'di ko pa rin tanggap. Nagiging mababaw na ba ako? Tangina, 'di ko na alam.

Napahilamos ako ng marahas sa aking mukha. Nakakainis. Alis na kaya ako? Shit. Oo nga pala wala rin ang wallet ko dahil nasa bag lahat. Minamalas nga naman oh!

You, Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon