°♦☘️♦°
“Kanina pa ka tingin ng tingin diyan sa phone mo ah, babae ba ‘yan?” tanong ni Will nang mapansin niya ang kinikilos ko kanina pa.
Katatapos lang ng aming klase at nabigay na rin namin ang pinagawa sa ‘min ni Ma'am Castro na tula at next week na raw niya ito ibabalik. Ang damot nga ni Will, ayaw ipabasa sa ‘kin yung gawa niya. ‘Di naman ako judger, minsan lang, kaya ayon ‘di ko rin ipinakita yung akin para it's a tie. Ewan ko ba ba't parang ngayon lang kami nagkahiyaan sa ginawa kahit na noon e nagpapakitaan pa kami ng ratbu at pahabaan ng ihi.
“Wala ‘tol, chinecheck ko lang yung time, gusto ko na umuwi e,” palusot ko.
Kanina pag-gising ko, dali kong kinuha agad ang phone at baka nag-reply na siya pero umabot na ng hapon at hanggang ngayon wala pa rin. Putek na ‘yan, kahit ba naman sa phone ayaw pa rin akong kausapin. Napagalitan pa nga ‘ko ni mama dahil ba't daw ako cellphone ng cellphone habang kumakain. Nagmumuka tuloy akong aso na naghahabol, tangna.
Tumayo ako na ikinataka naman ni Will, “O tol, sa'n ka punta?”
“To the moon at ‘wag ka na sumama ‘di ka bagay ro’n,” Sagot ko ‘saka kinuha ang bag at umalis na nang hindi na hinintay pa si Will.
Hindi ko alam kung ba’t dinala ako ng mga paa ko sa labas ng classroom nila. Actually, lumabas lang ako para magpahangin dahil sa dami ng iniisip. Tangna, may isip pala ako? Bwisit pati sarili ko nabibigla na lang dahil sa nangyayari.
Nakita kong wala silang ginagawa at nagulat ako dahil may nakapansin sa ‘kin. Lumapit siya at naalala ko ito yung nakalaban ko sa basketball.
“Oy, hanap mo yung binunggo mo? Nasa library siya, nagrereview,” Sabi niya kahit ‘di ko tinanong.
Aba ayos rin pala ‘tong si ogag, alam na agad kung sino hinahanap ko. Siguro nga dinala ako rito dahil sa kaniya. Tumango na lang ako bilang pagsagot at tumalikod para pumunta na sa library.
“Himala, wala pang pirmahan ng clearance Clover nandito ka na at nasa'n yung kasama mo?” gulat na sambit sa ‘kin ng librarian nang makita niya akong pumasok at alam niya talaga kapag nandito ako ay pirma niya lang sa clearance ang habol namin ni Will sa kaniya.
I shrugged, “Ewan ko po ro’n ma'am, ayaw magbago ng mokong na ‘yun. ‘Di man lang niya ‘ko gayahin ‘di ba po?”
Umiling siya at natawa, “Ikaw talaga, sige na pumirma ka na rito.”
Nang matapos ay tsaka ko nilibot ang tingin. Medyo may kalawakan din ang library na ‘to. Bilib pa rin ako rito sa pinapasukan ko, para nga talagang ‘di public pero pwera ulit sa CR. Laki ng pagpapagawa sa classroom pero sa banyo ‘di maayos-ayos. Hanep, parang kalsada lang ah. Kadalasang sinisira ang maayos na daan kesa sa mga lubak-lubak.
‘Di naman sila nagpapasweldo pero hirap naman silang kumuha ng taga-linis. Kainis.
Naglakad ako patungo sa may bandang dulo at baka sakaling nandoon siya. Tama nga ako, sino pa ba ang nag-iisang white hair sa school na ‘to? Na mala anime pa ang itsura? At aakalain mo ring porener kuno. ‘Di lang sa buhok ang kapansin-pansin dahil litaw rin ang kanyang kaputian. Nakita ko ang suot nitong jacket na nasa kaniyang tabi.
Alam kong siya na ‘to. ‘Di ako nagkamali. Nakita kong naka-earphone siya at pansin ko rin na kahit nakatalikod sa ‘kin ay may suot na siyang panibagong salamin. Waw, ang bilis naman niyang magpalit. Siguro nga may extra pa 'to.
Dahil do'n parang nakahinga ako ng maluwag. Wala na ‘kong popoblemahin dahil solve na pala.
Ba't nandito pa ako? Akmang aalis na 'ko kaya lang kakapunta ko lang tapos aalis na agad?

BINABASA MO ANG
You, Again?
Novela Juvenil[Kupal Series #1] Clover, an ABM Grade 11 student, is known for his troublesome ways and his belief that "a kupal will always be a kupal." But when he meets someone who keeps constantly stands in his way, things take an unexpected turn. Could this p...