Kabanata 9

142 8 0
                                    

°♦☘️♦°

Sa wakas, natapos na rin ang exam at ngayong bumalik na ang klase ay paakyat na ‘ko papuntang classroom. Yung exam? Pucha, naging petiks lang dahil nangopya kami. Feel ko naman ‘di kami babagsak ni Will.

Speaking of, ‘di kami ngayon sabay na kumain. Ewan ko ro'n at mabilis na lang nawala, ang paalam lang sa ‘kin ay iihi pero ‘di na bumalik kaya iniwan ko na. Baka siguro ay nauna na siya sa room.

Papunta na ‘ko sa building namin pero napatigil ako nang makitang may nagkukumpulang mga estudyante sa ground floor ng grade 12 building. Ang alam ko mga TVL Cookery ang nandito. Anyare?

Dali-dali akong pumunta ro'n para makiusyoso. Kinalabit ko ang isang babae.

“Anong meron?” Tanong ko sa kaniya.

“Nagwala raw ‘yung hapon na studyante dahil may kumain daw sa dish niya na dapat para sa patimpalak ‘yon,” paliwanag niya.

Tumango ako at pinasalamatan ko siya after kong malaman. Natawa ako. Gago yung taong kumain, lakas ng trip sa buhay. Dahil do'n ay na-curious pa ako lalo kaya siniksik ko ang sarili para makita ko kung ano nangyayari sa loob ng room.

Akala ko giyera na ang nangyari dahil nag-kalat ang mga gamit sa panluto; mga kawali, iba’t-ibang utensils na nasa sahig tapos may basag na plato pa at nilibot ko ang tingin.
Nakita ko na nasa sulok ‘yung tao na nakatalikod sa ‘min na siguro siya may ari nung dish na sinasabi. Grabe, kawawa naman. Siguro importante sa kaniya ang contest na ‘yon.

Kung ako ‘yon, malamang gan'yan rin gagawin ko. Sino ba namang ‘di magagalit kung ‘yong pinaghirapan mo ay kakainin lang ng iba?

Ay sa itsura pa lang nitong room ay malala na para sa ‘kin. Ngayon lang ako nakakita ng ganito.

Pero napukaw ang tingin ko sa taong pumasok sa room. Kumunot ang noo ko. Ba't andito ‘to? Sinundan ko ng tingin at dumiretso siya do’n sa babae na may kagagawan ng kalat sa room at magkasingtangkad lang sila tsaka kinausap ito para aluin siguro? Tsk. Mas matangkad pa siya kesa sa ‘min?

Tsaka ang init-init dito sa pinas naka-sweater. Bagay sila. Siya nakajacket dahil sensitive ang skin at yung isa ewan ko kung pang aesthetic purpose niya lang.

Drama na naman ang magaganap dito kaya tumalikod na ‘ko’t umalis. Talaga bang lagi siyang gan'yan ‘pag may nangyayari at kailangan bawat problema ng estudyante e naroon siya? Akala niya naman pasan niya ang mundo. ‘Di ba siya nahihirapan?

Buti na lang wala pa ang teacher nang pumasok ako. Sabi na e, nauna na pala ‘tong si mokong. Umupo kaagad ako sa tabi niya at sinabi sa kan'ya kung anong nadatnan ko sa baba.

“Oh, gan'on? Grabe naman sinapit niya,”

I nodded but constantly asked where he had been, “Teka nga, sa'n ka ba galing at sa'n ka kumain?”

Naghintay ako sa sagot niya pero tila naging tulala siya matapos akong mag-kwento. Bwisit na kausap ‘to lumilipad na naman ang isip. Tinapik ko ang braso niya.

Doon ay natauhan siya at alanganing ngumiti na lumingon sa ‘kin, “Diyan lang pre at ‘wag kang mag-alala kumain na ‘ko,”

I narrowed my eyes on him, “Weird mo pre ah,”

Natawa lang siya sa sinabi ko. Totoo naman a. Kung ano man iniisip nito ngayon, problema na niya ‘yon tsaka bahala siya diyan. Total, gan'on naman ang ugali niya. Ayaw mag-labas ng saloobin.

Pumasok na ang teacher kaya umayos na kami at binati siya. Shoot, yung tula! Nakita ko kasing hawak na niya ito. Gagi, bigla akong kinabahan hindi dahil sa score kundi baka pagsabihan niya ‘ko.

You, Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon