Kabanata 16

155 7 0
                                    

°♦☘️♦°

“Yo, pare!” Bungad sa ‘kin ni Will nang makaupo ako sa tabi niya. It's been three days since that embarrassing incident happened and I thought he was bluffing about his message.

After sending him money for pst’s food, ‘di ko na siya kinausap muli.

Siguro naman sakto na ‘yon for one month. Hindi ko pa rin kasi matiyempo si mama na ipaalam sa kaniya baka ma-beast mode na lang bigla baka pati ako palayasin.

But I already lied to her asking for money for some project.

No'ng araw na umuwi ako, tinamad na ‘ko pumasok kahit todo pilit si mama sa ‘kin at ang nakakagulat ay sinundan naman ako ni Will. Hindi na rin siya pumasok dahil para ikwento ko raw sa kaniya ang nangyari kung ba't na kila bads ako.

Pati siya nagbigla kung ba't napunta ako ro'n, sinabi ko naman na si Perry ang may kagagawan non. Anong reaksyon? Tawang-tawa ang bwisit.

“Wala bang mag-tuturo?” Tanong ko.

Will shrugged, “Hindi ko alam pre, pero malapit na intrams siguro they're preparing,”

I tsked. “Huwag na tayo sumama, hayaan na ang mga seniors natin na sumabak,” Saad ko.

Natawa siya at tumango, “Hindi talaga! Wala naman tayong magiging ambag diyan e, tatakas lang naman tayo!”

Pati na rin ako natawa. Well, it's a fact. I wouldn't deny it because gan'on naman talaga ginagawa namin every event — tatakas lang. Pipirma lang saglit tapos aalis na.

“Tsaka pre, no'ng pinuntahan kita, nakalimutan kong sabihin sa ‘yo na card day na pala ngayong sabado at pahabol pa ni Ma'am Castro na exempted tayo sa exam niya kahit nagtake tayo,” dadgdag pa niya.

My face lit up because of that.

“Tangina pre! Safe na tayo sa isang subject,” natatawang sambit ko.

Nag-apiran kami at tumawa. Dahil do'n ay sumingit rin ang tatlo sa usapan namin.

Tungkol lang naman ulit sa inuman. Mga gago, pass muna ako. Ayoko na ulit mapunta ro’n.

“Nugagawen, pre?” Boring na tanong ni Will.

Bagot na din ako e. Wala naman pala gagawin. Habang nag-iisip naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa.

I fished out my phone then I saw one message coming from bads.

Kumunot noo ko. Ano na naman bang kailangan niya? Ngayon niya lang ulit ako chinat matapos ang huli niyang sabi tungkol sa pagkain ni pst. Huwag niyang sabihin ubos na agad?!

Nilapit pa ni Will ang sarili sa ‘kin para tingnan ang phone pero nilayo ko agad ito. Baka usisain pa ‘ko. 

Eitan Fray Fulgencio

9:36 AM

Meet me at the place where
we’d last talked.

seen

“Huh?”

Anong trip ni mokong?

“Sino ‘yan pre? Share naman!” Pag-usisa ni Will.

Pinatay ko kaagad ang phone at binalik ulit sa bulsa. Sinamaan ko ng tingin si Will at tumayo. Hindi ko alam pero naging curious ako sa kung ano ang sasabihin ni bads.

“Sa'n ka tol?”

“Iihi lang, ‘wag ka na sumama, saglit lang ako,” Saad ko at isinukbit ang bag sa balikat tsaka lumabas.

You, Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon