Kabanata 28

443 18 4
                                        

°♦☘️♦°

“There's someone that I like…..and it's him.”

Matinding katahimikan. Kahit ang kapatid ko rin ay natameme. Malaki na siya kaya nakakaintindi na ‘yan. Hanep, para akong nasa library ah sa sobrang tahimik. Sa ilang minutong katahimikan at halos tinitingnan lang ako ay si mama na ang nagbasag.

“Him? Seryoso ka ba talaga, Chleo?”

Binaba ko na ang kutsara’t tinidor dahil tapos na ‘kong kumain. Seryoso naman na ako kaso gusto ko lang muna tignan ang magiging reaksyon nila.

“Hindi mo na kami mabibigyan ng anak?” dagdag pa niya.

Anak? Nand’yan naman si Elai ah. Ayan ang mahirap kapag bibigyan o binigyan ka ng responsibilad kahit ayaw mo naman. Dapat ganito, ganiyan para matuwa ang magulang. Gano'n ba dapat ‘yon. Ang magulang lang ang matutuwa? Pa'no naman ang anak, ‘di ba? It's unfair.

Tapos kapag ikaw magagalit, lahat isusumbat sa ‘yo? Hanggang sa kapanganakan mo, paglaki, pag-aaral mo may kabayaran? Sinisingil ka sa lahat na parang need mong bayaran? Hanep na ‘yan.

Ang hirap ng hinihiling nila, sa totoo lang. Kung ganito pala ang mararanasan ko bago pa ‘ko mahulog kay bads, sana pinigilan ko na lang. Kaso, pa'no naman ang kaligayahan ko? na sinabi ni Sr. Nelly? ‘Di ba?

Kung noon na hirap ako sa sarili ko, ngayon sa ganitong sitwasyon naman.

Seryoso na rin itsura ni dad maging si mom. Si elai ewan. Ayan, asar pa sa ‘kin. Tuloy, ‘yung anak niyo nahulog na nga sa kapwa lalaki.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay tumayo na ako at nagpaalam. Pinipigilan ko ang mukha ko na maglabas ng reaksyon dahil sa kanila.

“Tapos na po akong kumain, kung ano man po ang narinig niyo, kalimutan niyo na lang po dahil it's a prank!” Sigaw ko sabay takbo.

“Tarantado ka, Clover! Hindi magandang biro ‘yon!”

Tawang-tawa ako habang naakyat. Pagpasok sa kwarto, nilock ko ang pintuan at hinawakan ang aking puso.

“Kalma, at least nagsabi ka na kahit alam nilang biro lang ‘yon tsaka bahala na sila diyan kung ano isipin,” Saad ko sa ‘king sarili.

Bwisit na Elai ‘yon, panira talaga kahit kailan. Edi sana natapos ko na buong Season 2. May season 3 pa naman.
Mukhang gets ko na rin si bads dito. Bukas kaya, gano'n na lang siguro gawin namin?

Magugulat kaya siya kapag nalaman niyang pinapanood ko na rin ‘yung kinahihiligan niya?

Maaga ako nagising dahil pupunta ako kila bads. Nagdala na rin ako ng extra damit baka sakaling ‘di na ako umuwi.
Papayagan naman siguro ako nila mom dahil sa hindi naman nila aayawan sila Sr. Nelly e.

Lumabas na ‘ko at nasa sala sila mama at ang kapatid ko.

Masama na ang tingin ni mama sa ‘kin nang ako'y bumaba, “Oh sa'n ka pupunta? Aba't may bag ka ng dala? ‘Di pa kita pinapalayas kahit na sinabi mong bading ka,” masungit na bungad niya.

Natawa ako, “Si mama naman, napakaseryso. Punta po ako kila Sr. Nelly papabawas ng kasalanan.”

She raised one eyebrow and crossed her arms over her chest, “Himala, ikaw ba talaga ‘yan, Chleo? O baka palusot mo lang ‘yan?”

I smirked, “Gusto mo proof ma? Sige, mamaya send ko sa ‘yo. Picture namin ni Sr. Nelly na naka eyy,” tapos nag-act ako kung pa'no gawin ‘yon.

Siyempre, ‘di siya natawa. Pa'nong ‘di tatawa e natrauma na ata ‘to kagabi. Ayan kasi…

You, Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon