°♦☘️♦°
Lunes ngayon at sinabihan ko si Will na samahan akong pumunta sa guidance office para imbitahan sana si Ma'am Burat sa birthday ko. Sa Wednesday ang kaarawan ko kaso may pasok kaya naisipan kong sa sabado na ito ganapin.
Binuksan ko na rin ang regalo nila Sr. Nelly sa ‘kin. Akala ko sapatos lang ‘yon pero nagtaka ako ba't may kasama pang keychain na flashlight. Freebies siguro. Sayang naman kung ilalagay ko lang ‘to sa tabi kaya sinabit ko siya sa bag.
But it's quite puzzling, how did they know my shoe size? They didn’t ask me directly. Maybe they asked my mom to make it seem like a surprise.
Pagpasok namin, nagulat ang mga naroon. Parang mga nakakita ng multo.
“Aba himala, nag-voluntary visit ang mga junakis mo, Ma'am Cortez!” Sambit ng isang guro na nagpatigil sa ginagawa ni Ma'am burat.
Natawa kami ni Will at bumati sa kanila tsaka dumiretso na sa pwesto niya. Napansin ko, ba't naman pinagbasakan ng putik ang mukha nito? Anyare? Alam ko namang banas lagi ang mukha niya kapag nakikita kami.
Inunahan niya agad ako bago pa ‘ko makapag-salita, “Ipapatawag na sana kita Clover kaso sakto’t nandito ka na.”
Nagtaka ako. Bakit naman ako ipapatawag e wala pa nga akong ginagawa? Teka, ba’t ako lang? I looked at Will but he's now glancing at me. I guess he understood Ma'am burat because he mouthed “glue” to me. Nanlaki ang mata kong humarap muli kay ma'am. Shit. Napalunok ako, alam na niya kaya? ‘Di ako nagkakamali, paniguradong si bads na naman ang nagsumbong dahil siya mismo ulit ang nakakita sa ‘min.
Is this deja vu?
“Teka Ma'am, ba't ako lang?” tanong ko, naguguluhan.
Hindi niya ako sinagot bagkus ay sinenyasan niya muna si Will na lumabas. Nagulat pa yung katabi ko dahil ‘di niya inaasahang ‘di siya kasama. Masaya niyang tinapik ako sa balikat bago ito umalis. Ako ang nag-aya para samahan ako pero sa huli, ako rin palang mag-isa? Aba ayos.
“Explain this,” saad nito habang inilahad niya sa ‘kin ang isang papel.
Kumunot ang noo ko. Paanong napunta ‘to sa kaniya?
“The content of your poem is considered as bullying and a threat to a student. Gusto mo bang i-patawag ko na talaga ang parents mo?” dagdag pa niya.
How? We've already talked this last Saturday. He said that If I'm still being over dramatic and affected it'll get worse pero ano ‘tong ginawa niya? Hinigpitan ko ang hawak sa papel. Wala akong paki kung makusot ito. Mas maganda nga na mapunit dahil sa ‘kin naman galing ‘to.
Without hesitation, I spoke, which caused them to become unsettled.
“Call my parents now," I firmly said before quickly turning to head outside. I heard them call after me, but I ignored them. ‘Di na kasi makapag-hintay ‘tong kamay ko na makatikim ulit ng mukha. Kung gusto niya pala ng ganito edi sana, una pa lang pinatikim ko na sa kaniya ang kamao ko.
Bakit ginusto niyang humantong pa sa ganito? He really doesn't know how to shut up huh. Tsaka paano naman nangyari ‘to e that's our project given by Ma'am Castro, why would he?
Rumagasa akong pumunta sa building ng mga grade 12 at umakyat. Halos lumipad na ‘ko sa pagtakbo para lang makapunta agad sa kinaroroonan niya. Kung ipapatawag nila ang magulang ko edi lubos-lubosin ko na tangina pala niya e. Inuubos niya pasensya ko.
Sakto lumabas siya sa kanilang room at kahit na may kausap siya ay agad ko na itong sinunggaban ng suntok. Nagkagulo ang lahat dahil sa ginawa ko. Yung iba, sumigaw pa. Sumalampak siya sa sahig at nakita kong basag ulit ang salamin niya. Tsk, wala na akong paki diyan sa gamit mo.

BINABASA MO ANG
You, Again?
Teen Fiction[Kupal Series #1] Clover, an ABM Grade 11 student, is known for his troublesome ways and his belief that "a kupal will always be a kupal." But when he meets someone who keeps constantly stands in his way, things take an unexpected turn. Could this p...