Kabanata 30

247 9 11
                                        

°♦☘️♦°

“Clover, ano na naman ‘to ha?! Kung ‘di pa tumawag yung guidance, siguro wala kang balak sabihin ‘no?!”

We're here in their room. Hindi sa sala o sa kitchen dahil baka marinig ng kapatid ko ang mga pinagsasabi sa ‘kin. Good girl ‘yon e tapos ako hindi. Edi s’yempre, as her kuya dapat huwag niya ako tularan o gayahin dahil ayoko rin namang mangyari ‘yon.

Ako lang dapat hehe.

Nakaupo ako sa kama nila at sila naman ay nakatayo sa harapan ko.

As I slowly lift my head to see them, I scratched my nape to lessen the awkwardness, “Ma sorry po, sasabihin ko naman po e tsaka hindi ko po talaga sinasadya,” pagdepensa ko.

“Kahit na! Nakadisgrasya ka pa rin ng tao. Sige nga, Clover, pa’no na ‘yan? May magagawa ba ‘yang sorry mo sa nangyari?” Bulyaw ni mama.

Umiling ako nang bahagya at nakita kong hinimas-himas ni dad ang braso ni mama para pakalmahin. Tinignan ko si dad at wala siyang reaksyon na pinapakita sa ‘kin.

Huminga ako nang malalim.

“What will you do, Clover? This time, hindi na talaga natin madadaanan sa pakiusap ‘yang ginawa mo at baka ipa-expel ka na nito,” may diin ang sinabi ni dad sa ‘kin. 

Napakagat na lamang ako ng labi at yumuko. Si dad na ang nagsabi. Wala na talaga magagawa. Desisyon na ng school kung ipapatanggal ba ako o i-sususpende. At sa dami na ng nagawa ko, sa tingin ko ay napagod na rin sila sa ‘kin.

Hays. Oo na, kasalanan ko ulit.

Pero gayunpaman, napansin ko, ilang araw na rin kaming nananahimik ni Will sa pag-gawa ng kalokohan at napag-isipan kong magfocus na dito sa pesteng event na ‘to at para na rin kay bads. Ewan ko na lang kay Will kung anong rason ba't gano’n din siya.

At sa totoo lang, si bads naman talaga ang dahilan kung bakit tumigil ang ugali ko pagdating sa kalokohan. Hindi dahil sa pag-suway niya kundi dahil ako mismo ang nag-kusang baguhin ang sarili ko.

“Sorry po ma, pa.” ‘Yon na lang nasabi ko matapos lahat ng mga parangal niya sa ‘kin. Ayoko na pahabain pa yung sermon niya dahil sa huli, ako rin naman ang may kasalanan. Lagi naman e. Porket may record, ako na ang mali.

Pero tao rin naman ako at gusto kong magbago, hindi para sa sarili kundi para sa lahat. Gusto kong makita nila na nagbabago ako. Hindi lang sa kasarian pati na rin ang kabuuan ko.

Pa’no na lang kaya kung malaman nila na kami ni bads? Ano na lang magiging reakyon nila? Mandidiri? Ipapatigil ako sa pag-aaral, ililipat? Hays, ‘di ko na alam.

Hindi ko naman hinihiling na tanggapin nila ako kaagad. Kundi sana maintindihan nila ako, kami.

Kinabukasan, tumawag na raw ang school kila mama at sinabi ang kanilang desisyon. Nang matapos ang ilang minutong pag-uusap ay tinawag na ako upang sabihin ang naging balita at nakahinga ako nang maluwag dahil hindi raw nila ako ipapaexpel kundi isu-suspend lang ako ng isang buwan.

Napa—Yes ako ng palihim.

“I hope this is your last, Clover,” Bilin ni Dad.

I turned my head to him and smiled genuinely. I nodded, “Yes dad. Aayusin ko na po, promise.” Then I unconsciously raised my left hand and mom instantly reacted.

“So hindi totoo? Kaliwa ang naitaas e,” Mom crossed her arms and looked at me with narrowed eyes.

Nagsorry ako at tsaka binaba ko kaagad ang kamay at tinaas ko ang kanan kong kamay. Nakita ko natawa na si Dad and I smirked.

You, Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon