Kabanata 25

359 16 30
                                        

°♦☘️♦°

“Bads, can I stay here tonight? Or maybe, can I take care of you instead?”

We stayed in that position for so long. I don't know…but this is the first time that I felt being with him —comfortable and peaceful. At hindi ko ba nasabi noon na…sobrang ganda yung mga mata niya? Potek, ‘pag tinitingnan mo para kang nasa alapaap e. Parang pati kaluluwa mo nakikita.  

Pero oks lang ‘yon, at least alam kong sa ‘kin lang ang kan’yang titig. Sabi nga ni perry may laman daw yung tingin niya sa ‘kin. And perhaps, I can let go of overthinking because somehow I feel reassured. 

Kaya lang, humiwalay ako sa kaniya dahil sa sagot niya. “Huh?” I frowned, anong huh? Ayaw niya bang nandito ako? Ako na nga nagma-magandang loob, ayaw niya pa? Bakit, dahil alam niyang ‘di ako marunong sa mga ganitong gawain? Ha! P’wede naman ‘yang tanungin kay AI or kay pareng google. Parang tanga ampota!

O ‘di kaya nagtataka ba siya sa mga kinikilos ko ngayon? Kung bakit bigla-bigla na lang akong nagiging ganito. Malamang, sino may kasalanan kung bakit nangayayari ‘to ngayon? Edi siya! Tsk. 

Sumimangot ako at inulit ang kaniyang sinabi, “Anong huh? Pucha! Ayaw mo ba?!” akmang tatayo na ‘ko pero mabilis naman niya ‘ko hinila pabalik at iba na ang naging posisyon namin, hindi tulad kanina. Nakatalikod na ‘ko ngayon sa kan’ya at tila may kung anong kakaiba sa ‘kin nang pinalibot niya ang kaniyang mapuputing bisig sa katawan ko.

Is this what they called a back hug? 

His body is so delicate, to be honest. His porcelain-like skin—so fragile, it feels like even the slightest touch could break it. That’s how he is to me.

Bigla akong natahimik at napalunok. Shit. 

Ngayon, mas ramdam ko na ang kan’yang mainit na katawan sa likod ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil ramdam ko rin ang kaniyang pag-bilis ng tibok ng puso nito.

Nilapit niya ang ulo sa tenga ko at bumulong, “Your words, baby. I'm going to punish you this time if you say a bad word again.”

I bristled and somehow my breath just stopped. What? Ano raw? Pucha! Did he just call me baby? His baby? I'm his baby?

Pasimple kong kinagat ang looban ng cheek ko. Fuck. Tangina, yung nararamdaman ko tila parang kinikiliti ako lalo? Parang may bulate. 

Aaklain mong si bads at ako na noo’y ‘di magkasundo at lagi niya akong sinusuway sa bastos na paraan pero ngayon…nag-iba na. ‘Yung mga pakikitungo pala niya sa ‘kin noon ay may meaning pala. Kaya pala…now I get it. 

Tinanggal ko ang pagkakayap niya sa ‘kin at lumayo. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kaniya. 

Nataranta siya, “What's wrong? Did I make you uncomfortable?” He paused a bit then he continued genuinely, “I’m sorry, nabigla ata kita.”

Umiling ako at tinignan ko siya ng malumanay, “No, bads. Uh, n-nagulat lang ako.”

The look in his eyes seems tired and worried. Baka akala niya natakot ako pero hindi, nagulat lang talaga ako sa sinabi niya. Kung tutuusin, masyado atang naging mabilis ang pag-sabi niya ng gano’n dahil ‘di ko alam kung nararapat bang banggitin. Tsaka tama ba ‘yon? Hindi pa namin nakokompirma kung ano ba talaga itong namamagitan sa ‘min pero tinawag niya ‘kong gano’n. 

‘Di ko naman ipagkakaila pero tangina….oo na…nagustuhan ko ‘yon. Pucha, ano ka ngayon Clover? Ba’t mas bading ka na sa kaniya?! 

Magsasalita na sana siya pero napatigil rin dahil sa katok. May nagsalita. Si Sr. Natie. Ay pusang-gala naman, lumayo agad ako sa kaniya at ako na lang nagpresintang dumiretso sa pintuan para pag-buksan siya. Pilit akong ngumiti sa kaniya nang buksan ko ‘to. Sinukli rin naman ako ng ngiti pero naanigan ko na may pagtataka sa mga mata niya. 

You, Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon