°♦☘️♦°
“Ayun oh! Sobrang ganado mo ata ngayon pre,” Ani will habang nagpupunas ng bimpo sa noo niya.
Break time lang ng practice namin ngayon sa gym at last day na rin namin ‘to para sa gaganaping intrams next week. I felt a swell of excitement but not in the game kundi sa kung anong magiging parusa ko.
Kagabi kasi, matapos naming kumain. Sinermonan pa ako ni mama kung bakit ako raw ang nagpresintang maghugas kahit ‘di naman marunong. Bakit ako sesermunan e kusa na nga ‘ko gumagalaw e. Si mama parang ewan.
Eh sabi ko na lang para matuto. Kaya ayon, naniwala naman.
Kaya habang nanonood sa YT kung pa'no maghugas ay sinabayan ko na rin ito habang naghuhugas.
After nga non, magdamag kaming nag-usap. Tinawagan pa nga niya ako na siyang ikinagulat ko e. Wala, kwento-kwento lang about sa kung anu-ano. May mga nalaman na rin ako about sa kaniya.
At ‘di namin namalayan, inabot kami ng madaling araw sa pag-uusap at nakatulogan ko siya. Hays, galit kaya ‘yon?
Bahagya akong umiling at napangiti.
“Ay pucha, ba't ngumingiti ka na diyan? Kayo na ba?” Asar pa niya at natawa.
Inirapan ko siya, “Kung anu-ano napapansin mo. Eh Ikaw? Kamusta pag-aaral mo sa sign language? Nag-improve na ba?” Paglihis ko ng usapan.
Ayoko muna silang sabihan tungkol sa ‘min ni bads dahil medyo magulo pa. Mabuti na ‘yong umamin lang ako sa kaniya na may gusto akong lalaki. ‘Yon lang. Baka asarin pa ako lalo neto.
“Sus! Iniiba mo naman pre eh, pero ayoko na mag-aral nun nalaman kong hindi rin naman pala siya marunong!” Yamot niya.
Nag-unot ang noo ko at tumingin agad sa kaniya ng nakakaloko. Natawa ako. Huli ka balbon!
“Namo ka Will, huli ka na. Sino ‘yan? Tsaka pa'no kayo nag-uusap kung ‘di naman pala marunong?” usisa ko.
Matapos kong tanungin ‘yon ay tumayo na ‘ko at gano'n na rin siya. Napagdesisyunan naming sa JHS Canteen na lang kami kumain. Namiss kasi namin si Aling Sol.
He shrugged, “Edi sa'n pa? Sa notebook pre. Tangina, salitan kami kung mag-usap. Nasayang tuloy effort ko,” reklamo niya.
I chuckled at his rant, “Mukhang nahihirapan ka diyan sa binibingwit mo ah. Palitan mo na kaya ‘yan!”
Umiling siya at tsaka may nilabas siyang baunan sa kaniyang bag. He lifted it onto my face and laughed.
Tumaas kilay ko at napasimangot.
“Kita mo ‘yan pre? Siya lang nakakagawa niyan,” pagmamayabang niya.
I leered at him, “Kaya pala ayaw tigilan kasi may nag-aayuda na.”
Binalik niya uli ang bento sa bag niya at tsaka naman niya ako inakbayan, “Naman! Ikaw ba wala? Kawawa ka naman,” he flickered his tongue as if he was disappointed.
Habang palapit na kami sa canteen ay may nakita akong isang estudyante na nagtapon ng basura sa hindi tamang lalagyan. My face crumpled because of his act. Kaya napatigil ako at sinigawan siya.
“Hoy! Basurahan ba ‘yan? Hindi ‘di ba? Tapon mo nang maayos!” Sigaw ko habang tinuturo-turo ko siya. Tuloy, napatingin na ang iba sa ‘min pero wala akong pake.
Kaya bumabaha e, kung saan-saan sila nagtatapon. Parang mga tanga.
Nagulat siya sa sinabi ko kaya aligaga niyang tinapon ang pinagkainan niya sa basurahan. I rolled my eyes after that.
BINABASA MO ANG
You, Again?
Teen Fiction[Kupal Series #1] Clover, an ABM Grade 11 student, is known for his troublesome ways and his belief that "a kupal will always be a kupal." But when he meets someone who keeps constantly stands in his way, things take an unexpected turn. Could this p...
