KABANATA 28

2.6K 245 24
                                    

Kabanata 28.

Hindi ko na tinuloy ang pang-iistalk sa social media ng mommy ni Zherion dahil pakiramdam ko ay mas gugustuhin ko ng sumama sa mommy ni Zherion kaysa sa kaniya.

She's so amazing. She's very dedicated to her profession and family.

Madalas sa mga independent woman ay mas pinipili ang career kaysa bumuo ng family pero iba ang mommy ni Zherion.

Simula ng mag-umpisa ang career niya ay nagdidate na sila ng daddy ni Zherion. May isang interview kung saan pinapili ng host ang mommy ni Zherion kung career or family.

Syempre, ang sinagot ng mommy ni Zherion ay both. She doesn't have to choose between those two because she was confident that she can have both, peacefully, without neglecting both sides.

Zherion's mother came from a scholarly family. Her parents are both retired professor in a university. Although her family came from a not-so wealthy family, they are still considered a prestigious family.

Zherion's parents married each other for love and not for fame and money. How admirable.

Muli akong bumalik sa may living room. Ngayon ay mas masaya na ako sa piling ng mommy ni Zherion. Ngayon ay alam ko na kung bakit siya mahilig magcomment sa mga nakakaagaw ng atensyon niya. Iyon ay dahil sa line of work niya.

Inabala ko rin ang sarili ko sa panonood ng TV. Nang dumating si Zherion sa living room ay sabay kaming napalingon ng mommy niya sa kaniya.

Sa sobrang tutok ko sa panonood ng tv ay hindi ko narinig ang pagbukas ng pinto.

"Mom, why are you here?"

Naupo si Zherion sa one-seater sofa na katapat ng inuupuan ko.

Nakangiting binalingan ng mommy ni Zherion ang anak niya.

"I had a business matter nearby so I decided to drop by after I finished my business. I also want to check on your health and living condition."

"I'm good. There's nothing to worry about." Tugon ni Zherion sa kaniyang mommy.

Tiningnan ako ni Zherion kaya nginitian ko siya. Ngunit ng maalala ko na balak kong itanong ang feelings niya para sa akin mamaya ay agad akong nag-iwas ng tingin dahil nakaramdam ako ng hiya.

"Theonel told me that you are in good health, but I still want to see you myself. From the looks of it, you seems healthier the last time I saw you. Your complexion looks good and healthy," pahayag ng mommy ni Zherion habang pinasadahan niya ng tingin ang mukha ng kaniyang gwapong anak.

Tumango si Zherion. "I told you. There's nothing wrong with my health. Nothing to worry about."

Ngumiti ang mommy ni Zherion. "Son, tell me. Do you already have a girlfriend?"

Pansin kong agad na natigilan si Zherion sa tanong ng mommy niya. Halatang na-caught off guard siya. Hindi agad nakapagsalita si Zherion.

Muling nagtama ang paningin namin dalawa. Napakurap ako bago ko naalala ang sinabi sa akin ni Zherion na balak niya akong ligawan noong tinanggap niya ang confession ko pero tinanggihan ko siya.

"I don't have a girlfriend."

"Then, do you have someone you like? I am your mother. I can tell when my child is in love or not. Don't lie to me, Arzheno."

Ako naman ang natigilan dahil sa sinabi ng mommy ni Zherion. Napaayos ako ng upo at muli kong tiningnan si Zherion.

Hindi na siya nakatingin sa akin. Nakabaling na ang atensyon niya sa kaniyang mommy.

The Darling Ghost Of HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon