KABANATA 40

2.6K 216 27
                                    

Kabanata 40.

Matapos akong magpunas ng katawan ay tsaka ko lang narealize na nakabalot lang ang katawan ko sa towel kapag lumabas ako. Wala akong dalang damit at malabo na ipakuha ko kay Arzheno ang damit at mga underwear ko.

Napalunok ako. Nakabalot na ang towel sa katawan ko. Sinigurado kong secure iyon para hindi mahulog.

Huminga ako ng malalim. Tinapangan ko ang sarili ko. Naisip ko na malabong tingnan ako ni Arzheno. Baka nga wala siyang pake kahit maghubad ako sa harapan niya.

Binuksan ko na ang pinto ng bathroom. Humakbang ako palabas. Nakakailang hakbang pa lang ako ng mapaatras ako sa gulat dahil nakatayo pa rin si Arzheno sa labas ng bathroom.

"Earlier, what did you call me?"

Mahigpit akong napahawak sa towel na nakabalot sa katawan ko. Agad nag-init ang buong mukha ko. Hindi ko alam kung nahihiya ba ako o kinakabahan. Siguro ay parehas.

Hinintay niya ba ako dahil sa tinawag kong nickname sa kaniya kanina? Nabothered ba siya sa unfamiliar name na narinig niya?

Napalunok ako. Pakiramdam ko ay natuod ako sa aking kinatatayuan dahil sa overwhelming presence ni Arzheno. Mariin siyang nakatitig sa akin na para bang hindi siya aalis sa aking harapan kapag hindi ko sinagot ang tanong niya.

Why is he so persistent? My brain just made up that nickname. I also don't know where it came from, okay?

"Zherion," mahinang usal ko.

Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin sa kaniya kahit kanina ko pa gustong tumakas. Hindi rin ako makatakas dahil nasa harapan ko siya. Hindi rin nakiki-cooperate ang aking mga paa na para bang napako na sa kinatatayuan ko.

Sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay mahihimatay ulit ako dahil sa abnormal na tibok ng puso ko.

Pinagmasdan ko ang eskpresyon ng mukha ni Arzheno. Nang matapos kong sagutin ang tanong niya ay mas lalong naging mariin at malalim ang pagtitig niya sa akin na para bang nakatingin siya mismo sa kaluluwa ko.

Muling kumabog ng malakas ang puso ko ng maisip ko iyon. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng tuwa at saya sa puso ko dahil sa bagay na pumasok sa isip ko.

"Yrayla, do you recognize me?" tanong ni Arzheno makalipas ang ilang segundo namin titigan.

Agad akong nadistract sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Para bang sobrang natural ng pagbigkas niya don na parang sanay na sanay siyang tawagin ako sa ganong pangalan.

Kung tutuusin ay ngayon lang kami nagkausap ng matagal. Noong nakasalubong ko siya sa restaurant ay hindi ko nagawang makaimik at sobrang saglit lang ng interaction namin non na baka hindi na niya tanda ang bagay na iyon.

Napatitig ako sa lalaking nasa harapan ko. Pinilit kong inintindi kung bakit niya natanong ang bagay na iyon. Sigurado akong hindi siya conceited na magtatanong na lang basta kung nakikilala siya dahil isa siyang famous na artista. Kahit retired na siya sa pag-acting ay sobrang sikat pa rin niya.

Inisip kong mabuti kung anong rason ng tanong niya sa akin pero hindi ko magawang i-analyze ang mga bagay dahil para bang may pumipigil sa akin. Sa tuwing sinusubukan kong buuin ang bawat scenes sa utak ko na kasama siya ay bigla din iyon kumakalat na para bang hindi ko pwedeng malaman kung saang galing ang mga fragmented scenes o imagination ko na 'yon.

Sa huli ay tinigilan ko na lang ang mag-isip. Bumalik sa normal ang takbo ng utak ko dahil kahit anong pilit ko ay walang nangyayari.

How can I not recognize him? He's so famous.

The Darling Ghost Of HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon