KABANATA 30

2.5K 198 20
                                    

Kabanata 30.

Sakto lang ang lawak ng unit na pinasukan namin ni Niara. May dalawang bedroom, may living area, open kitchen area at open dining area.

Nakatayo kami ni Niara sa may living room dahil naupo doon ang mukhang nanay ng dalawang bata sa bahay na 'to.

Naagaw ng atensyon ko ang isang picture frame na naka-mount sa pader ng living room. Makikita sa picture frame ang litrato ng apat na tao. Agad kong nakilala ang guard ghost. Sa family picture ay mapapansin na mukhang wala pang isang taon ang baby na buhat-buhat ng asawa ng ghost guard

"Tingnan natin, baka may nangpa-prank lang satin."

Inabot ng babaeng teenager ang brown envelope sa kaniyang nanay. Malaki ang brown envelope. Kasing size iyon ng short-bond paper.

Binuksan ng asawa ng guard ghost ang envelope. Kinuha niya mula don ang dalawang papel ngunit may nahulog pa na isang maliit na rectangle na papel.

Pinulot iyon ng teenager na babae.

"E-Enna, mukhang late na napadala ang sulat na 'to." Namula ang gilid ng mata ng asawa ng guard ghost habang nakatingin siya sa dalawang papel na hawak niya.

Ang babaeng si Enna ay tumabi sa kaniyang nanay upang tingnan ang content ng dalawang papel. Agad din namula ang mga mata niya ng makita niya ang content ng papel.

Napansin kong nakitabi na sa kanila si Niara.

"Ang isang letter ay para kay Enna at ang isa ay para sa asawa ng guard ghost."

Lumapit ako sa tabi ni Niara. Sinilip ko rin ang hawak na papel ng mama ni Enna.

Mukhang gustong pumunta sa concert ni Enna bago namatay ang guard ghost. Hindi na niya naibigay ang nabili niyang concert ticket sa kaniyang anak.

Nakasulat lang sa letter na i-enjoy ni Enna ang concert.  May pera din na nakadikit sa papel.

Sa kabilang papel ay may nakasulat lang na parang last and will testament. Makikita don ang ilang bank accounts at password.

Lumayo na kami ni Niara sa mag-ina ng magsimula silang umiyak.

"Ma, apat na taon ng patay ni papa. Bakit ngayon lang 'to dumating sa atin?" Umiiyak na tanong ni Enna. Niyakap siya ng mahigpit ng kaniyang nanay.

"Hindi malinaw ang address na nakalagay sa envelope kaya siguro nahirapan ang nagdeliver na hanapin ang bahay natin," tugon ng nanay ni Enna. Kahit may luha sa mga mata niya ay mas kalmado siya kaysa sa kaniyang anak.

Ang batang lalaki ay nakisali na rin sa pag-iyak ng makita niyang magkayakapan ang ate at ang nanay niya.

Hindi na kami nagtagal pa sa loob ng bahay nina Enna.  Lumabas na kami ni Niara.

"Yrayla, bakit parang kanina ka pa natutulala? May problema ka ba? O, natanong mo na kay Arzion kung anong feelings niya sa'yo?"

Umiling ako sa sinabi ni Niara. Hindi tungkol kay Zherion ang iniisip ko.

"Niara, sobrang pamilyar ang lugar na 'to sakin pero sure ako na hindi pa ako nakakapunta dito." Nang makalabas kami ng gate ni Niara ay tsaka ko lamang nasagot ang tangon niya.

Tiningnan ni Niara ang apartment building na pinanggalingan namin.

"Well, common ang itsura ng apartment building na 'to kaya siguro pakiramdam mo ay nakapunta ka na dito. Baka may gantong building din na malapit sa inyo noong buhay ka pa."

"Siguro nga," iyon na lamang ang nasabi ko dahil kahit anong pagbungkal ang gawin ko sa memories ko ay wala akong maalala tungkol sa lugar na 'to.

Pakiramdam ko ay may makapal na harang sa kabilang bahagi ng memory ko na hindi ko magawang tanggalin sa tuwing inaalala ko kung saan ko nakita ang building sa harapan namin.

The Darling Ghost Of HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon