KABANATA 39

2.7K 240 66
                                    

Kabanata 39.

YRAYLA'S POINT OF VIEW

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi ko nagawang makatulog ng maayos kagabi dahil sa mga scenes na biglang pumapasok sa isip ko.

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba ang lahat ng mga scenes na basta na lang sumusulpot sa isip ko. Sobrang blurry ng mga images o scene sa utak ko na hindi ko magawang matukoy kung ano ba ang mga iyon.

Nawala lang ako sa pagtitig sa kisame ng biglang pumasok si Grandma sa aking kwarto. Napansin kong may bitbit siyang breakfast.

Naupo ako sa kama.

"Grandma, maayos na ang katawan ko. Hindi mo na kailangan dalhan ako ng breakfast."

Kahit sinabi ko iyon ay hindi ko mapigilan ang malawak na pagngiti.

Inismidan lang ako ni Grandma na para bang alam niya ang iniisip ko.

"Kung maayos na ang katawan mo. Kanina ka pa bumangon. Tingnan mo hanggang ngayon ay nasa kama ka pa rin. Bukas ay pupunta tayo sa may maliit na field sa tabi ng playground para mag-zumba kapag naalala ko."

Pinatong ni Grandma ang tray na dala niya sa aking hita. May nakalagay don na mga pagkain. Mainit na tinapay, gatas at porridge yon.

"Kumain ka na. Hindi ba sabi ko sa'yo kahapon ay aalis tayo?"

Tumango ako sa sinabi ni Grandma. Mukhang desidido siya sa bagay na iyon. Wala talaga akong energy na umalis ngayon kaya sana ay magbago pa ang isip niya o makalimutan na niya ang bagay na iyon.

Nang makalabas si Grandma ay tumayo ako habang hawak ang tray. Naglakad ako patungo sa aking study desk at duon ako kumain.

Patapos na ako sa pagkain ng may marinig akong malakas na tunog sa labas na para bang may nahulog na mabigat na bagay. Sa sobrang gulat ko ay pakiramdam ko tumalon ang puso ko.

Napatayo ako. Agad akong lumabas ng kwarto upang tingnan kung ano ba yung nahulog. Kinakabahan din ako dahil baka kung napaano na si Grandma.

Nang makalabas ako ng aking kwarto ay nagmamadaling hinanap ng paningin ko si Grandma. Maglalakad na sana ako patungo sa kusina ngunit napansin ko na nakatayo si Grandma sa may tapat ng pinto.

Naglakad ako palapit sa kaniya. Pansin ko agad na nakatulala siya sa tapat ng pinto pero hindi ko makita ng malinaw kung ano ang tinitingnan niya.

Napansin ko rin ang nahulog na mabigat na watering can ni Grandma. Mukhang magdidilig siya ng halaman.

"Grandma, anong tinitingna-"

Nang makalapit ako sa likod ni Grandma ay tsaka ko lang napansin ang nakatayong lalaki sa porch ng bahay namin.

Nanlaki ang mata ko. Katulad ni Grandma ay napatulala ako sa gulat.

I am still dreaming? Why am I seeing the famous actor standing on our porch?

"Sorry for the sudden intrusion."

Agad akong natauhan ng magsalita si Arzion. Pinulot niya ang nahulog na watering can. Iniabot niya iyon kay Grandma.

Nang makatayo siya ng tuwid ay agad nagtama ang tingin namin dalawa.

Malakas na kumabog ang puso. Napigil ko ang aking paghinga. Ilang mga scenes ang bumaha sa utak ko. Ang mga scenes na iyon ay hinahalikan ko ang pisnge at labi ng lalaking ngayon ay nakatayo sa harapan namin. Tinawag ko rin siyang Zherion sa scene na 'yon.

The Darling Ghost Of HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon