KABANATA 34

2.4K 187 19
                                    

Kabanata 34.

Halos malaglag ang panga ko sa pagkamangha ng buksan ni Zherion ang ilaw sa loob ng jewelry house. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit jewelry house ang tawag ni Zherion sa lugar na iyon.

Isang malawak na space lang ang makikita sa loob ng villa. Sobrang taas ng ceiling na may nakasabit na magagandang chandelier na para bang kasali din sa collection ng mga jewelries.

Malinis ang buong lugar na 'to at halatang nililinis. Ang mga jewelries ay makikita sa loob ng mga glass box at glass-shelves.

"Zherion, buti walang nagtatangkang pumasok sa bahay na 'to. Siguradong kikinang ng sobra ang mga mata ng magnanakaw kapag nakapasok sila dito."

Natawa si Zherion sa aking sinabi.

"Well, this place looks normal on the surface but every part of this villa has a tight security and sensitive alarms. If a thief forcefully entered this place, the whole villa will automatically shutdown the grills and barriers. The trespasser will be trapped in this place."

Namamanghang napatango ako sa sinabi ni Zherion. Tama nga ang hinala ko kanina na hightech ang villa na ito. Hindi lang sa gate at sa pinto, mukhang ang buong villa ay hightech rin.

"This place was left for me and Azaon by our grandmother. Feel free to choose whatever you want. Let's go to the couple rings area."

Mahina akong natawa dahil mas mukhang excited pa si Zherion sa akin na magkaroon kami ng couple ring. Natutuwa ako sa reaction niya.

Habang tumatagal ay mas naiinlove ako sa kaniya dahil mas nalalaman ko ang ugali niya at mas nakikita ko ang mga sides niya na hindi alam ng mga fans at family niya.

"What about our sizes? Paano kapag may nagustuhan ako pero hindi kasya sa'yo at sa akin?" tanong ko kay Zherion.

"Don't worry, We can alterate the sizes of the rings here if you want. My grandma taught me before how to modify the sizes of the rings and bracelets."

napatitig ako kay Zherion dahil sa huli niyang sinabi. "Wow, my boyfriend is so amazing!" Masaya kong saad ng matauhan ako.

"Yes, I am your boyfriend." Nakangising tugon sa akin ni Zherion.

Natawa ako. That's not the point. The point is he's so amazing.

Dinala ako ni Zherion sa part kung saan makikita ang napakadaming couple rings na may iba't ibang design. May simple design, elegant design, sophisticated design, complicated design, extravagant design at madami pang iba.

Halos malula ang mga mata ko sa dami ng mga couple rings. Sobrang gaganda ng couple rings na tipong gusto kong sabihin kay Zherion na lahat ay gusto ko ngunit pinigilan ko lang ang sarili ko.

Knowing Zherion, kapag sinabi ko talaga iyon sa kaniya ay hindi siya magdadalawang isip na i-uwi lahat namin ang couple rings na nandito. Baka maglaan pa siya ng room na dedicated sa lahat ng couple rings na nandito sa kaniyang mansion.

Kapag nangyari iyon ay walang matitira para kay Azaon at kay Elianie kung talagang magkakatuluyan sila.

Huminga ako ng malalim. Kinalma ko ang sarili ko. Hindi ako nagmadali sa pagpili. Mukhang wala din balak si Zherion na pagmadaliin ako.

Nakasunod lamang siya sa akin. Kung saan ako magpunta ay nandon din siya. Hindi siya umaalis sa tabi ko kahit gaano na ako katagal na namimili.

Napatigil ako sa harap ng isang glass shelf. Sa shelf na iyon ay may nakadisplay na couple ring. Simple lang ang design pero kapansin-pansin ang very detailed carvings ng design sa singsing.

The Darling Ghost Of HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon