KABANATA 32

2.3K 199 15
                                    

Kabanata 32.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Bago tuluyang sumabog ang eroplano ay nagawang tumalon ni Arzheno mula sa nasirang wall ng eroplano na malapit sa pwesto nila. Mahigpit na nakayakap sa kaniya si Yrayla.

Ang ibang mga pasahero ay nagawa din makatalon palabas ngunit karamihan sa kanila ay inabot na ng malakas na pagsabog na nagmula sa engine.

Bumagsak ang katawan ni Arzheno sa malawak na karagatan na malapit sa shore. Hindi siya tatalon kung ang babagsakan niya ay matigas na semento lalo na dahil wala siyang suot na parachute.

Napatingin si Arzheno sa multong nakayakap sa kaniya nang lumutang ang katawan niya.

"I'm alive. Why are you crying?" natatawang tanong ni Arzheno kay Yrayla ng makita niya itong umiiyak.

Ngayon lang nalaman ni Arzheno na umiiyak rin pala ang mga multo. Hindi nababasa ang katawan ni Yrayla kaya halatang-halata ang kakaibang glow na liquid na lumalabas sa kaniyang mga mata.

"I told you, the plane is going to crash. We're lucky you're still alive."

Mahigpit na niyakap ni Yrayla ang batok ni Arzheno. Parang nabunutan siya ng tinik sa kaniyang lalamunan. Masaya siya na buhay si Arzheno ngunit hindi niya maiwasan na hindi malungkot para sa mga namatay sa plane crash.

Pumikit si Yrayla at tahimik niya na lang pinagdasal ang mga kaluluwa ng yumao. Hindi siya isang God kaya wala siyang kakayahan at karapatan na guluhin at mangialam sa balanse ng mundo.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na si Arzheno sa shore. Nakasabit sa likod niya si Yrayla.

Bumaba na si Yrayla mula sa likod ni Arzheno ng makaahon ito sa dagat. Tiningnan mabuti ni Yrayla kung may sugat ba sa katawan si Arzheno.

Nakita niyang may mangilan-ngilan na glass-shards na nakatusok sa braso ni Arzheno. Nakasuot na lamang ng white-longsleeves si Arzheno at naka-angat ang sleeves niya dahil sa kaniyang paglangoy kaya kitang-kita ang mga bubug sa braso niya.

Hindi pa nakakalipas ang ilang minuto ay narinig na agad ni Yrayla at Arzheno ang tunog ng ambulance at rescue team.


Nang makita ng mga tao kanina ang sumabog na pakpak ng eroplano ay agad silang tumawag sa emergency hotline. Ang mga nakatira din malapit sa dagat ay tumawag ng rescuer ng mapansin nila ang ilang mga taong tumalon mula sa bumubulusok na pababang eroplano bago iyon tuluyang sumabog.

"I'm fine, may I borrow your phone?" saad ni Arzheno sa lalaking rescuer na lumapit sa kaniya upang tingnan kung ayos ba ang lagay niya o kung may injury ba siya.

Ang babaeng assistant ng rescuer ay agad nagblush ng makilala niya kung sino ang taong nasa harapan nila. Pinasadahan ng tingin ng babae ang buong katawan ni Arzheno. Kitang-kita niya mula sa basang white-longsleeves ang color skin at muscle ni Arzheno.

Napaangat ang kilay ni Yrayla ng mapansin niya ang mga mata ng babaeng nakatutok sa katawan ni Arzheno. Agad siyang nakaramdam ng selos.

Ngunit alam niya na hindi dapat siya magselos dahil normal lang na humanga sa magandang katawan ni Arzheno.

Napansin agad ni Arzheno ang pagbabago ng mood ng katabi niyang multo. Kita niya sa gilid ng kaniyang mata na nakasimangot si Yrayla habang nakatingin sa babaeng titig na titig sa kaniya.

The Darling Ghost Of HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon