KABANATA 11

2.9K 249 19
                                    

Kabanat 11.

Matapos kong pagmasdan ang buong office ni Zherion ay naupo na lamang ako sa sofa. Busy si Zherion sa kaniyang trabaho. Kahit hindi niya ako nakikita ay hindi magandang kumalong sa kaniya kapag may ginagawa siya.

Minsan ay hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na lapitan siya.

Malinis at organized ang buong office ni Zherion kaya magandang tingnan ang kabuuan ng office niya. Ganon din sa bahay ni Zherion.

Napalingon ako kay Zherion ng marinig kong tumunog ang isang intercom.

"Yes?" saad ni Zherion.

Maging ang boses niya ay napaka manly at attractive. Sobrang masculine ng aura niya. Bawat galaw niya ay nakaka attract pagmasdan.

Sa tuwing naririnig ko ang boses ni Zherion ay para bang nahihipnotismo ako na mas lalo pang ma-attract sa kaniya.

"Sir, there's a lady outsid-Miss, wait a moment!"

Napalingon ako sa may double doors ng office ni Zherion ng bigla iyon bumukas.

Taas noong naglakad ang magandang babae sa loob ng office ni Zherion. Tumigil ito sa tapat ng office desk ni Zherion.

"Arzheno, have you forgotten? We have a blind date today. Do you think I also want to have a blind date with you? Both of our fathers made this arrangement. How dare you not show up?"

Magkakrus ang braso ng babae habang nakatayo siya sa harapan ng desk ni Zherion. Nakasuot ng magandang pulang dress ang babae. Maganda ang maroon nail polish sa kaniyang mga kuko at maayos at tuwid na tuwid ang mahaba niyang buhok. May dala siyang maliit na sling bag.

Unang tingin pa lang ay halata na agad na isa siyang rich girl.

Napatayo ako sa gulat ng maprocess ng utak ko ang sinabi ng babaeng pumasok.

Naglakad ako patungo sa tabi ni Zherion upang mas makita ko ng malinaw ang bawat expression sa mukha ng babae.

Napansin kong mukhang hindi siya nagbibiro o nagsisinungaling.

"Sir, I'm sorry. We failed to stop her."

Humingi ng patawad ang lalaking secretary ni Zherion. Katabi niya ang babaeng secretary na kakapasok lang sa office.

Bakas sa mukha ng dalawang secretary ang pagkaguilty at kaba.

Tumingin si Zherion sa dalawa niyang secretary. "You may go."

"Yes, Sir President."

Mabilis na lumabas ng office ang dalawang secretary ni Zherion. Sinaraduhan nila ang nakabukas na double doors.

Binaling kong muli sa babaeng nakatayo sa harapan namin ni Zherion ang aking atensyon.

Tiningnan rin siya ni Zherion. Walang emosyon ang mukha ni Zherion kaya hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

Hindi ko alam kung nagagandahan ba siya sa babaeng nasa harapan namin, natutuwa o naiinis. Napakagat ako sa aking labi bago ako napasimangot.

Hindi pa ako ready na mag-asawa si Zherion. Kakikilala ko pa lang sa kaniya. Ayoko agad ma-heartbroken.

"If you don't want to have a blind date with me. Go home." Malamig ang tono ng boses ni Zherion. Halatang wala siya sa mood na makipag-usap sa babaeng nasa harapan niya.

"Do you think I can ignore my father's order? I am not a rebellious and unfilial child like you. Sooner or later they will tie us together."

Muling tinuon ni Zherion ang atensyon niya sa kaniyang trabaho. Hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang babae sa harapan namin.

The Darling Ghost Of HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon