Kabanata 15.
Nang imulat ko ang aking mata ay wala na ulit sa tabi ko si Zherion. Bumangon ako sa kama. Naglakad ako palabas ng bedroom ni Zherion.
Nang makalabas ako ay agad akong nagtungo sa may living room. Wala doon si Zherion. Agad akong kinabahan dahil baka may multo ulit na sumulpot sa tabi ko.
Kapag wala sa mansion na ito si Zherion ay tumatapang ang mga multo kaya nagagawa nilang pumasok sa lugar na 'to.
Naglibot pa ako sa buong mansion ni Zherion. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Zherion sa loob ng kaniyang gym.
Katulad noong una ko siyang nakita ay nakatopless siya. Nakasuot lamang siya ng sport shorts. Wala sa trendmill si Zherion.
Naabutan ko siyang nagpupush-up. Napangiti ako. Naupo ako sa may tabi ni Zherion habang pinapanood siya.
Halos kuminang ang mga mata ko dahil sa muscles ni Zherion sa kaniyang braso at likod. Para akong nakatingin sa maganda at perpektong artwork.
Nang matapos sa paggi-gym si Zherion ay bumalik na siya sa kaniyang bedroom.
Ngayon gabi ay iiwanan ko muna si Zherion. Balak kong puntahan ang dati kong apartment na tinitirhan ko. Wala pa siguro akong isang linggong patay. Hindi ko alam kung may nakadiscover na ba na patay na ako o nasa apartment ko pa rin ba ang bangkay ko.
Para makapunta sa dati kong apartment ay kailangan kong tapangan ang sarili ko. Hindi ko papansinin ang mga multong makikita ko sa daan. Magkukunwari akong walang nakikitang kahit na sinong multo.
Huminga ako ng malalim bago ako naglakad palabas ng mansion ni Zherion. Nang makalabas ako sa mansion ni Zherion ay naglakad ako palabas ng community.
Malayo ang nilakad ko bago ako nakalabas pero dahil isa akong multo ay hindi ako nakaramdam ng pagod.
Tumayo ako sa may malapit na bus stop. Sa bus stop ay may nakalagay na mapa sa gilid ng waiting shed. Nakalagay din don ang oras ng dating ng bus.
Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar na nakasulat sa mapa. Napakurap ako. May maliit na mapa din ng buong bansa sa bandang baba. Maging ang mga city na nakalagay sa mapa na iyon ay iba din sa huli kong natatandaan.
Napakamot ako sa aking ulo.
"Anong problema mo?"
Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang sumulpot na babae sa aking tabi. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya.
Nakasuot siya ng wedding gown. Hindi na niya buhat ang kaniyang sariling ulo. Kung titingnan mabuti ay para lang siyang bride na tumakas sa kasal. Bukod sa magulong buhok at make up sa mukha ay wala ng mapapansin kakaiba sa kaniya. Medyo madumi lang din ang suot niyang wedding gown.
"Huwag kang matakot, hindi ako masamang multo. Gusto ko lang makipag-kaibigan."
Ngumiti sa akin ang bride ghost. Hindi agad ako nakapagsalita.
Kinalma ko ang aking sarili.
Paulit-ulit kong chinant sa isip ko na isa na rin akong multo. Hindi na ako tao. Kauri na nila ako.
Nang maikalma ko ang aking sarili ay tsaka lamang ako nagsalita.
"Sorry, hindi pa ako sanay makakita ng kauri natin."
Tumawa ang bride ghost sa aking tabi. "Ganon din ako noong namatay ako. Hindi ko rin alam kung bakit nandito pa ako sa mundo ng mga tao."
"Baka may wish ka pa na hindi pa natutupad," saad ko sa kaniya ng maalala ko ang sinabi ng guard ghost sa akin.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasyA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024