KABANATA 35

3.1K 245 75
                                    

Kabanata 35.

Pinuntahan ko si Niara sa kaniyang old villa. Tumagos ako sa may gate ng villa niya at dumiretso ako sa may garden kung saan siya madalas magstay.

Napatingin ako sa mga halaman ni Niara na mukhang hindi pa nadidiligan. Napakunot ang noo ko.

"Niara?" Tawag ko sa pangalan ni Niara.

Wala siya sa garden ng old villa niya kaya pumasok ako sa loob ng bahay niya. Nilibot ko ang buong bahay ni Niara ngunit hindi ko siya nakita.

Ang tanging nakita ko ay ang maliit na papel na nakasingit sa ilalim ng lumang vase na nakapatong sa lamesa ng malawak na living room. Iyon lang ang tanging furniture na hindi natatakluban ng white blanket.

Noong unang pumasok ako ay hindi ko agad napansin ang nakasingit na papel sa ilalim ng vase. Nang makabalik lang ako sa living room ay tsaka ko iyon nakita.

Kinuha ko ang papel. May kutob ako na iniwan iyon ni Niara. Naalala ko bigla na nagiging transparent na talaga ang katawan niya na tipong pwede siyang mawala kahit anong oras. Binasa ko ang nakasulat sa letter.

[Yrayla, thank you for accepting me as your friend. If you are reading this, then I was already in a place beyond this world. I had a great time talking with you every time. Thank you again.]

Napakurap ako matapos kong basahin ang sulat ni Niara para sa akin. Mukhang katulad din ng ghost guard ay kinuna na rin ang kaluluwa ni Niara.

Agad akong nakaramdam ng matinding lungkot dahil hindi ko na ulita makikita at makakausap si Niara. Ngunit wala akong magagawa sa bagay na iyon kundi tanggapin na lamang ang kapalaran namin dalawa.

Napatulala ako habang iniisip kung gaano kaya ako magtatagal sa mundong ito. Nabanngit sa akin noon ni Niara na nakadepende sa tadhana ng kaluluwa ang itatagal nito sa mundo.

Noon ko pa alam na hindi nakabase sa kagustuhan ng multo ang tagal ng pananatili nila sa mundo. Nakabase pa rin iyon sa fate ng bawat isang multo.

Napabuntong-hininga ako.

Nagtungo ako sa garden ni Niara at saglit kong diniligan ang kaniyang halaman. Nang matapos ako ay lumabas na ako sa gate ng bahay niya.

Habang naglalakad ay naisip ko na maganda na mag-iwan rin ako ng emergency letter para kay Zherion dahil baka bigla rin akong mawala agad sa mundo.

"Kanina pa kita hinihintay."

Napatigil ako sa paglalakad nang may humarang sa daan ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang maliit na old monk.

Nakatayo kami ngayon sa labas ng mansion ni Zherion. Base sa sinabi niya ay mukhang naghihintay siya sa labas ng bahay ni Zherion at alam niya na dito niya ako matatagpuan.

Walang pinagbago sa itsura niya noong huli ko siyang makita sa airport. Ngayon ay sigurado ako na hindi siya multo. Isa siyang buhay na tao.

"Your time is running out. Let's go and find the jade jar. Where did you first open your eyes when you become just a soul?"

Napakurap ako sa mga sinabi ng old monk sa aking harapan. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Wait, hindi ko po kayo maintindihan. Ano pong jade jar at bakit nauubos na ang oras ko?"

"Ipapaliwanag ko sa'yo mamaya hija. Sa ngayon puntahan natin ang lugar kung saan mo unang nakita ang sarili mo na isang kaluluwa. Wala akong balak na masama. Gusto lang kitang tulungan."

Naguguluhan kong tiningnan ang monk sa harapan ko. Ramdam ko na wala talaga siyang intention na masama. Maliban pa don, sobrang pamilyar niya sa akin na tipong bukod sa pagkikita namin sa airport ay para bang nakita ko na rin siya sa ibang lugar.

The Darling Ghost Of HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon