KABANATA 19

2.6K 207 9
                                    

Kabanata 19.

YRAYLA'S POINT OF VIEW

Nang makaalis si Azaon ay napalingon ako kay Zberion ng maramdaman ko ang tingin niya sa akin.

Napatitig ako sa kaniya.

So deadly handsome.

"Should we go and visit your grave?" biglang tanong sa akin ni Zherion kaya natauhan ako sa pagtitig sa kaniya.

Ngunit ng marealize ko ang sinabi niya ay napatulala ako sa kaniya bago ako mabilis umiling ng matauhan ako.

Visit my grave? I am not even sure if I have one in my former world. Siguradong wala rin akong puntod sa mundo na ito.

Hindi ko alam kung bakit bigla iyon nasabi ni Zherion. Masyado ba akong naging chismosa kanina sa pag-uusap nila ng kapatid niyang si Azaon kaya ngayon ay balak niya akong ihatid sa puntod ko at iwanan doon.

Napalunok ako sa kaba.

"No, thank you." Nakangiti kong tugon kay Zherion. Itinago ko ang kabang nararamdaman ko sa takot na baka bigla niya akong itaboy palabas sa bahay niya.

"Alright, are you hungry?" tanong pa sa akin ni Zherion. Naguguluhan ko siyang tiningnan.

Nang marealize kong hindi niya alam ang basic rules and information tungkol sa mga multo ay nagsalita na ako.

"Zherion—"

"Zherion?"

Hindi pa ako nakakapagpaliwanag kay Zherion ng bigla niyang banggitin ang nickname na inembento ko para sa kaniya.

Napakurap ako ng ilang beses bago ako nag-iwas ng tingin kay Zherion. Sobrang intense niyang tumingin na para bang inaakit niya talaga ako. Hindi niya ako masisisi sa pag-iisip ng bagay na iyon dahil sobrang gwapo ng mukha niya at napaka-attractive ng mga mata niya.

Lahat siguro ng babae na mapapatitig sa mga mata niya ay ma-i-inlove sa kaniya.

"That's a good nickname."

Hindi ako nagsalita kaya siguro nagsalita muli si Zherion. Napatingin ulit ako sa kaniya.

Halos magwala ang puso ko sa sobrang kilig ng marinig ko ang sinabi niya. Mukhang nagustuhan niya ang nickname na binigay ko sa kaniya. Exclusive ang nickname na iyon para sa akin dahil ako ang nag-invent non.

Ngumiti ako kay Zherion.

"You have two names so I decided to give you a nickname."

"Thank you," nakangiting tugon sa akin ni Zherion.

Pinigilan ko ang sarili ko na yakapin si Zherion at halikan siya ng paulit-ulit. Why is he so charming? Dahil ba matured na siya kaya ibang-iba na ang charisma niya?

Nang makikala ko si Zherion ay tsaka ko lang nadiscover ang type ko sa lalaki.

He's so my type.

Tumikhim ako. Hindi ko pa rin nakakalimutan na kailangan kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa mga multong kagaya ko.

Limited lang din ang alam ko pero kumpara kay Zherion na clueless sa mga multo ay mas madami akong alam.

The Darling Ghost Of HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon