Kabanata 20.
Nang makapasok ako sa bahay ni Zherion ay naglakad ako patungo sa living room. Hindi na ako nagulat ng makita kong walang tao sa living room.
Umakyat ako sa may second floor para hanapin kung nasaan si Zherion. Gusto ko lang siyang makita dahil bigla ko siyang namiss.
Madaming kinwento sa akin si Niara kanina at isa na don ang tungkol sa love story nila ng ex-fiancé niya.
Siya ang unang na-inlove sa ex-fiancé niya. Ginawa niya lahat para magkagusto ito sa kaniya. Nagtagumpay siya dahil naging magboyfriend at girlfriend sila. Yun nga lang, walang happy ending para sa kanilang dalawa.
Noong marinig ko ang kwento niya ay bigla kong naalala ang feelings ko para kay Zherion. Kahit magkaiba ang situation namin dalawa ni Niara at kahit mas malala ang nangyari sa kaniya ay parehas pa rin kaming walang happy ending sa love-life namin.
Pero kahit alam ko ang bagay na iyon ay wala akong balak na lumayo kay Zherion. Bakit ako lalayo sa kaniya kung siya mismo ang pumayag na tumira ako sa bahay niya.
Malawak akong napangiti. Susulitin ko ang bawat araw na magkasama kami ni Zherion. Alam kong balang araw ay kukuhanin na talaga ako ni Lord. Naging mabait ako noong nabubuhay pa ako at wala akong batas na nilabag kaya confident ako na sa langit ako mapupunta.
Habang nandito pa ako sa mundo ng mga tao ay i-eenjoy ko muna ang feeling ng pagiging in-love at pagkakaroon ng crush.
Kailangan ko lang i-kalma ang sarili ko sa lahat ng oras para hindi ako makagawa ng kasalanan kay Zherion. Kailangan kong tapangan ang sarili ko upang mas maging firm ang resolve ko.
Nang maka-akyat ako sa second floor ay kinatok ko ang bedroom ni Zherion. Hindi ako basta pumasok dahil nakikita na ako ni Zherion. Kailangan kong respetuhin ang privacy niya.
Naka-dalawang ulit ako sa pagkatok sa bedroom ni Zherion. Walang sumasagot mula sa loob. Siguro ay wala sa loob si Zherion.
Nang tumalikod ako sa may pinto ay halos mapatalon ako sa gulat mapansin kong may taong nakatayo sa harapan ko.
Agad akong napatingala sa matangkad na si Zherion. Mukhang kailangan kong magsuot ng heels kapag nakatayo siya.
Napakurap ako, hindi naman siya matatakot kapag lumutang ako bigal, hindi ba?
Agad kong binura sa isip ko ang idea na pumasok sa utak ko. Sinabi sa akin ni Niara na pwede namin gawin ang lahat ng bagay ng hindi kami napapagod pero kapag lumutang kami ng matagal ay madedrain ang energy namin kaya inadvice niya sa akin na iwasan ang paglutang sa ere. Kapag nadrain ang energy namin ay pwede kaming maglaho na parang bula.
"Where did you go?"
Bumalik ako sa realidad ng magsalita si Zherion.
"I met a friend. She's a ghost bride."
Ngumiti sa akin si Zherion. Napansin kong nakabukas ang pinto ng study room ni Zherion. Mukhang duon siya galing.
"Did you enjoy your time with her?"
Naglakad na siya patungo sa may hagdan matapos niyang magsalita.
Sinundan ko si Zherion. Tumango ako habang may ngiti sa labi ko. "Yes, she's a good ghost. She almost scared me to death when we first met."
"Are you scared of ghost?" binalingan ako ng tingin ni Zherion.
Mabilis akong umiling. Hindi ko aaminin ang bagay na iyon sa kaniya. Sobrang proud ko noong sinabi ko sa kaniya na isang powerful ghost ako. Ano nalang iisipin niya kapag nalaman niyang takot talaga ako sa multo.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasiaA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024