Kabanata 18.
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Nagmamadaling tumawag ng ambulansya si Milany ng makita niya ang apo niyang nahimatay sa tapat ng kanilang bahay. Halos atakihin siya sa puso dahil sa gulat ng makita niyang natumba ang apo niya.
Mabuti na lang dahil nasaktuhan niya itong matumba kaya nagawa niyang saluhin ang katawan ng apo niya.
Nang dumating ang ambulansya ay agad sinakay sa stretcher ang walang malay na katawan ni Yrayla.
Sumakay din si Milany sa ambulance nang maisakay na si Yrayla. Habang pinapatakbo ang ambulance ay mahigpit na nakahawak ang kamay ni Milany sa kamay ng kaniyang apo.
Kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung bakit nahimatay muli ang apo niya. Sigurado siya na napapakain niya ng tama at sakto sa oras ang apo niyang si Yrayla.
Noong huli din silang magpunta sa hospital ay malinaw na sinabi ng doctor sa kaniya na healthy ang apo niya at wala itong kahit na anong komplikasyon sa katawan.
Para kay Grandma Milany ay wala ng ibang mas hahalaga pa sa buhay at kalusugan ng kaniyang apo.
Nang madala sa hospital si Yrayla ay agad chineck ng doctor ang heart rate nito at kung may mali ba sa katawan nito kaya siya nahimatay.
Sa isang tabi ay nakatayo lang si Grandma Milany. Kinakabahan siya dahil baka may sakit ang apo niya ng hindi niya nalalaman.
"Her body is fine. She's just sleeping." Iyon ang final na sabi ng doctor matapos niyang i-check ang kalagayan ng pasyente.
"Doc, are you sure about that? Nahimatay ang apo ko. Sigurado ba kayong walang mali sa katawan niya? Kahit ano wala?" Sunod-sunod na tanong ni Grandma Milany. Hindi siya makapaniwala na walang mali sa katawan ng apo niya.
Malinaw sa kaniya na biglang nawalan ng malay ang apo niya.
"Granny, your granddaughter is really fine. There's nothing wrong with her body. Maybe she fainted due to lack of sleep or rest. The overall result was you granddaughter is completely fine and not in danger."
Walang nagawa si Grandma Milanny kundi ang paniwalaan ang sinabi ng doctor sa kaniya. Kahit kulitin niya pa ang doctor na iyon ay alam niyang walang magbabago sa resulta lalo na dahil nakabase na ngayon lahat sa technology at science.
Kung iyon ang lumabas na resulta ng mga test sa katawan ng apo niya ay iyon talaga ang resulta.
"Thank you, Doc."
Tumango ang doctor kay Grandma Milany. Naiintindihan niya ang pag-aalala ng matanda sa kaniyang apo dahil ganon lahat ng mga kamag-anak ng pasyente.
Nang makaalis ang doctor ay naupo sa tabi ng kama si Grandma Milany. Halatang wala pang sign na magigising si Yrayla.
Bumuntong-hininga si Grandma Milany. Dahil sa matinding pag-aalala ay mas nahalata na ngayon ang katandaan sa kaniyang mukha.
---
Sa kabilang banda, nakatuon ang atensyon ni Yrayla sa kapatid ni Arzheno. Iniisip niya rin kung paano niya magagawang iligtas si Arzheno.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasyA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024