Kabanata 26.
Nang makarating ako sa restroom ay agad akong napahawak sa aking dibdib. Ngunit napatalon ako sa gulat ng makarinig ako ng pag-iyak.
Napalingon ako sa may cubicle. Isang cubicle lang ang sarado at siguradong nandon ang taong umiiyak. Biglang nawala ang kaba at gulat na nararamdaman ko dahil sa taong umiiyak.
Makalipas ang ilang minuto o segundo ay lumabas na ang taong umiiyak mula sa cubicle. Napakurap ako.
Ang taong umiiyak kanina ay walang iba kundi si Elianie Renafort. Kalmado na siya nang lumabas siya sa cubicle. Para bang hindi siya umiyak pero bakas ang pamumula sa gilid ng mata niya.
Walang ibang tao sa loob ng restroom bukod kay Elianie Renafort. Nagtungo siya sa harap ng salamin. Pinagmasadan ko lang si Elianie Renafort.
Mukhang affected siya sa mga sinabi ni Zherion kanina. Akala ko ay ayos lang sa kaniya ang mga sinabi ni Zherion sa kaniya kanina pero mukhang hindi.
Matapos maglipstick ni Elianie at mag-retouch ay kinuha niya ang phone niya sa handbag niya.
"Mom, don't ever set up a blinddate for me again! I am so mad. Who wants Arzheno? I don't like him! I don't want to marry him!"
Muli akong nagulat sa biglaang outburst ni Elianie. Mukhang napikon talaga siya sa sinabi ni Zherion.
"Elianie, what's wrong?"
"Nothing. I don't want to go to another blinddate again. I won't marry anyone."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ng mommy ni Elianie sa kabilang linya.
"Why are you being so tough? I know how much you love the eldest son of the Valmeion family. I am doing this for you. Why don't you just try your luck and confess to him."
"No way. I don't want to surrender to him. I am an heiress myself. Why do I need to lower myself? Should I be the one to pursue him?"
Umirap si Elianie. Halatang hindi niya gusto ang suggestion ng mommy niya.
"No need to pursue him. Just confess your feelings to him. If you do that, who knows, you might stir his heart. Elianie, believe in your mother. Men are all the same. If a beautiful girl confess to a man, it can easily mess the man's heart and mind."
"But, what if he rejects me right away? I'll definitely lose face."
"Don't wait for his answer. Just confess and then leave."
Nang marinig ko ang sinabi ng mommy ni Elianie ay napangiwi ako. Hindi ko akalain na pwede pala 'yon.
"Maybe, next time. Not right now."
Lumabas na ako ng restroom ng mawalan ako ng interest na makinig sa conversation ni Elanie at ng kaniyang mommy.
Kalmado na rin ang pakiramdam ko kaya hindi ko na kailangan magstay sa restroom. Nagpunta lang talaga ako don para pakalmahin ang sarili ko.
Nang pumasok ako sa private room kung nasaan si Zherion ay naupo ako sa harapan niya.
"Do you want to eat?"
Nag-angat ng tingin sa akin si Zherion. Napatingin ako sa mga pagkain sa table. Mukhang masasarap lahat iyon. Pero kahit ganon ay umiling ako.
Hindi ako nakakaramdam ng gutom. Sanay rin ako na hindi ako kumakain kapag hindi talaga ako gutom.
"It's okay, thank you. Eat well."
Ngumiti sa akin si Zherion. Tumitig siya ng ilang segundo sa akin na para bang inoobserbahan niya ang expression ng mukha ko bago siya nagpatuloy sa pagkain.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasíaA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024