KABANATA 22

3.5K 241 32
                                    

Kabanata 22.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay napansin ko agad na nakayakap ako kay Zherion. Nakapatong ang legs ko sa katawan ni Zherion.

Natigilan ako ng marealize ko kung ano ang itsura ng posisyon ko ngayon. Sigurado akong mukha akong octopus na nakapulupot kay Zherion.

Sinasabi ko na nga bang mangyayari ang bagay na ito lalo na dahil umpisa pa lang ay malikot na akong matulog.

Noon buhay pa ako ay maliit lang ang kama sa apartment ko. Natutulog ako sa gabi sa aking kama ngunit magigising ako na sa sahig na ako nakahiga. Minsan ay magigising ako bigla sa tuwing mahuhulog ako sa kama.

Ngayon ay mukhang hindi nagbago ang habit ko na magpagilong-gilong ngunit ngayon ay may taong favorite gilungan ng katawan ko.

Hindi na iyon nakakagulat dahil gustong-gusto ko ang energy sa katawan ni Zherion. Siguro ay nagkukusa na ang katawan ko na lapitan siya dahil malapit siya sa akin.

Napalunok ako.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay at binti ko sa katawan ni Zherion. Nang magawa kong tanggalin ang binti at kamay ko palayo kay Zherion ay naupo na ako sa kama.

Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag.

Nilingon ko si Zherion upang tingnan kung tulog pa rin ba siya ng magtama ang paningin namin. Agad akong natigilan.

Pakiramdam ko ay nahuli niya ako na nakayakap sa kaniya kanina. Napakurap ako nang magsalita si Zherion.

"You didn't go out today?" tanong niya sa akin.

Bumangon na siya at naupo na rin siya sa kama. Dahil nakaupo na siya ay hindi na nagagawang matakluban ng comforter ang katawan niya.

Agad akong nadistract ng makita ko ang katawan ni Zherion. Sobrang dinstinct ng mga muscle sa bawat parte ng katawan niya. Konting galaw lang niya ay agad na magpe-flex ang ilang muscles sa braso niya at dibdib. Sobrang define din ng abs niya na para bang hinulma iyon ng napakagaling na sculptor sa buong mundo.

What a charming sight to behold.

"I am going to work, do you want to come with me?"

Natauhan ako ng muling magsalita si Zherion. Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Tsaka ko lang naalala na may tinanong siya sa akin kanina ngunit hindi ko na iyon maalala dahil sa distraction na nasa harapan ko.

"Can I go with you?" balik kong tanong sa kaniya. Kung isasama niya ako ay walang problema sa akin ang bagay na iyon.

"If you want, you can."

Masaya akong ngumiti sa sinabi ni Zherion. Mabilis akong tumango at nagsalita. "I want. I don't have anything to do anyway so I'll go with you. Thank you so much."

Nginitian ako ni Zherion. "Alright, wait for me." Tumayo na si Zherion kaya bumaba na rin ako sa may kama.

Bago makapasok si Zherion sa kaniyang bathroom ay nagsalita ako.

"Zherion, you go and take a bath. I will prepare your breakfast. I will wait for you in the kitchen."

Nilingon akong muli ni Zherion. Tinitigan niya ako ng ilang segundo at hindi agad siya nagsalita kaya akala ko ay nag-iisip siya ng dahilan para i-reject ako ngunit bago pa magpatuloy ang pag-ooverthink ko ay nagsalita na siya.

"Thank you, Yrayla." Nakangisi niyang saad sa akin.

Napakurap ako bago ako wala sa sariling tumango. "Welcome."

Nang makapasok si Zherion sa bathroom ay tsaka lang ako natauhan. Malawak akong napangiti.

Lumabas na ako ng bedroom ni Zherion. Dumiretso ako sa may kitchen para magluto ng breakfast ni Zherion.

The Darling Ghost Of HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon