Kabanata 12.
Hindi ko pansin kung ilang minuto na ang lumipas. Hindi pa rin ako nakakapili ng librong babasahin ng bumukas ang pinto ng study room ni Zherion.
Napalingon ako kay Zherion. Nakasuot na siya ng silk robe at halata sa basang buhok niya na kakatapos lamang niya magshower.
Naglakad si Zherion patungo sa kaniyang study desk. Pinagmasdan ko siya. Matangkad na lalaki si Zherion. Para siyang isang model sa men's magazine. Hindi rin nakaayos ang tali ng silk robe na suot niya kaya kita ang gitnang parte ng dibdib niya at kita rin ang taas na bahagi ng abs niya.
Napahawak ako sa aking ilong. Pakiramdam ko ay mano-nosebleed ako sa sobrang sexy ni Zherion. Thankfully, isa na akong multo.
Naupo si Zherion sa harap ng desk niya.
Lumapit ako kay Zherion ng makaupo siya. Tumayo ako sa tabi niya. Nakita kong binuksan na ni Zherion ang computer at laptop na nasa malawak na desk niya.
Mukhang magwowork na ulit siya.
Naglakad ako patungo sa may sofa. Hindi ko balak na abalahin siya ngayon dahil hindi pa rin nawawala sa isip ko ang novel na pinabasa sa akin ng adviser ko noong senior high palang ako.
Naupo ako sa sofa habang inaalala ang dalawang pamilyar na pangalan ng character sa novel na iyon.
Kahit matagal ko ng nabasa iyon ay nakatatak pa rin sa isip ko ang ginawa kong summary ng story na 'yon. Iyon lang din ang isang libro na hindi educational book na nagawa kong tapusin kaya memorable iyon para sa akin.
Hindi ko agad naalala ang bagay na iyon dahil siguro wala pang nagtitrigger sa isip ko na alalahanin iyon. Pero ngayon na naalala ko ang bagay na iyon ay tsaka ko lang narealize na kaparehas ng pangalan ni Zherion ang isang character sa novel na iyon.
Ang isa pang coincidence ay nagkataon na ang pangalan ng kapatid niya ay Zaon.
Kung tama pa rin ang natatandaan ko ang nickname ng male lead sa novel na nabasa ko noon ay 'Zaon'.
Abala ako sa pag-iisip tungkol sa novel na nabasa ko ng biglang bumukas ang TV na naka-mount sa wall. Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaang sound na nagmula sa TV.
Napalingon ako sa may TV bago ko ibinaling ang tingin ko kay Zherion. Hindi siya nakatingin sa TV. Mukhang wala siyang balak na manood.
Nagtataka ko siyang tiningnan. Masyado na ba siyang nabingi sa katahimikan ng study room niya?
Nang mapansin kong walang balak manood ng TV si Zherion ay napagpasyahan ko na lang na manood. Hindi ko na rin inisip pa ang novel na nabasa ko dahil nadistract na talaga ako ng TV.
Noong nabubuhay pa ako ay wala talaga akong time manood ng TV. Ngayon na oras lang ang meron ako bilang multo ay susulitin ko na ang panonood ng TV. Napangiti ako.
Ang palabas sa TV ay tungkol sa nature. Saglit kong nilingon si Zherion bago ko muli binalik ang tingin ko sa TV.
Natatandaan kong last time na nanood si Zherion ay tungkol sa wild animals. Ngayon ay tungkol sa nature ang pinapalabas sa TV. Halatang parehas na channel iyon.
Napaisip tuloy ako kung wala bang ibang channel sa TV niya. Nang maboring ako ay naisipan ko na lamang na tumayo at maupo sa lap ni Zherion.
Narealize ko na mas enjoy pang yumakap sa kaniya kaysa manood ng TV.
Naglakad ako patungo kay Zherion. Walang paalam na naupo ulit ako sa hita niya. Sa pwesto namin ngayon ay para bang naka-embrace siya sa akin habang abala siya sa pagtatype sa computer niya.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasíaA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024